CHAPTER 8
NAKUHA NI CLYDE ang kagustuhan nitong maging personal assistant ako. Noong una ay tinanggihan ko ito dahil hindi naman ako nakatapos ng college but he insist.
Pinagpipilitan talaga nitong maging personal assistant ako. Ayaw nitong bumalik ako sa pagiging waitress na ipinagtataka ko.
He even offered me a good salary para lang maging PA nito. Ilang araw ko iyong pinag-iisipan at nakaka-tempt talaga ang offer nitong sahod sa akin. Mas malaki pa iyon sa alam kong sinasahod ng mga personal assistants.
Nang pumayag ako ay kaagad akong sinabak sa training ng dati nitong personal assistant na nag-resign dahil buntis ang asawa nito.
Nagtataka pa nga ang ibang empleyado sa C'Club kung bakit babae ang kinuhang PA ni Clyde. Hindi sa kinukuwestiyon ng mga ito ang kakayahan ko, alam naman daw nila na kakayanin ko dahil binibida talaga ng kaibigan kong si Juvy kung gaano ako katalino back in elementary, high school and during college.
Nagtataka lang sila dahil sa daming dumaan na PA sa boss namin ay ngayon lang ito kumuha ng babaeng PA.
"Ang bilis mong matuto. Isang linggo lang, ang dami mo ng alam." Nakangiting papuri ni Daniel sa akin.
Ilang araw din ako nitong tinuturuan.
"Last day ko na today so goodluck for you tomorrow. Kaya mo 'yan. Ang bilis mo ngang matuto samantalang ako noon umabot pa ng dalawang buwan para matuto. I salute you, Miss Cuballes." Anito at nginitian ako.
Nahihiyang ngumiti ako.
"Thank you sa tulong mo." Usal ko.
"Basta huwag mong kakalimutan ang mga bilin ko sa'yo. Okay lang magkamali basta't natututo ka. And I'm warning you, Boss Clyde is demanding sometimes. Huwag mo rin hahayaang uminit ang ulo dahil sumasabog 'yon. Pinakaayaw ko 'yong nagagalit siya kasi nag-iiba talaga ugali." Anito na napapailing.
"Yes po, I'll keep that in mind." Sabi ko pero sa loob ko ay kinakabahan ako.
Natapos ang araw na marami na naman akong natutunan. Kaagad kong inayos ang mga gamit para makauwi na.
Nang nasa labas na ng club ay naglakad ako patungo sa kabilang kanto at nabigla ako nang may bumusina mula sa likod ko.
Huminto ako sa paglalakad nang may tumigil na sasakyan sa tabi ko.
"Are you going home? Hop in. Ihahatid na kita." Napatitig ako sa guwapong mukha ni Clyde nang binuksan nito ang tinted na bintana ng kotse nito.
Ang dinig ko ay hindi ito pupunta sa club ngayon kaya nagtataka ako na nakita ko ito ngayon. At heto na naman po ang puso ko. Kailan ba titigil 'to?
"Magco-commute na lang po ako." Tanggi ko.
"I said, hop in." Seryoso ang mukhang sambit nito.
Napabuntong-hininga ako at walang nagawa. Kapag ganoong tono na ang ginagamit nito ay kinakabahan na ako kaya mas mabuting sundin na lang ang gusto nito.
Binuksan ko ang pinto ng backseat ng kotse nito.
"Not there. Dito ka sa tabi ko." Pigil nito sa akin.
Lihim kong naikagat ang ibabang labi at isinara ang pinto. Umikot ako patungo sa passenger's seat at sumakay.
Nang nasa biyahe na kami ay sinabi ko ang address ng apartment ko.
"Last time na hinatid kita, sa hospital ka tumungo. How was your brother? Is he okay now?" Tanong nito habang nakatutok ang mga mata sa kalsada.
"Okay naman siya. Masigla na rin kahit papaano. Regular ko siyang pinapa-check up para mamonitor na rin ang kalagayan niya." Tugon ko.
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#7: Clyde Hernandez "If only I could go back to the past and change everything. I want to have you so bad but it was all so fucked up." - Clyde Hernandez Date started: September 28, 2019 Date ended: October 25, 20...
