CHAPTER 11
ANG BILIS lumipas ng mga araw hanggang sa naging buwan. Naging payapa at tahimik ang lahat sa kabila ng nangyari sa apartment ko.
Tumira kami ni Claude sa condo unit na katabi lang ng condo ng boss ko. Patuloy akong nagtrabaho bilang personal assistant ni Clyde. Isang buwan, dalawa hanggang sa umabot ng ilang buwan ay naging maayos ang trabaho ko, ng walang anumang gulo.
Iyon nga lang, puso ko naman ang naguguluhan. Nararamdaman ko ang concern ni Clyde sa aming magkapatid pero ramdam ko rin ang medyo pag-iwas nito sa akin. Madalas ko itong nakikitang nakatingin sa akin pero kapag nagsalubong naman ang mga mata namin ay kaagad itong umiiwas.
Naisip ko na mas tama ng umiiwas ito para makaiwas na din ako. Para mailayo ko ang puso ko sa binata. Pero hindi ko pa rin mapagkaila ang pagtibok ng puso ko kapag nasa malapit lang ito.
"Can you buy bouquet of red roses for me?" Anito nang tinawag ako nito sa loob ng opisina nito.
Kaagad akong tumango. Abala ito sa pagtipa ng laptop nito.
"Anything else, Sir?" Tanong ko.
Umangat ang tingin nito sa akin at bahagyang napakunot ang noo na tila may napansing kakaiba sa mukha ko.
"Are you sick?" He suddenly asked.
"H-Ha? Hindi." Mabilis akong umiling.
Tinitigan ako nito at mas lalong kumunot ang noo nito. Ilang sandali lang ay nag-iwas ito ng tingin sa akin.
"Buy me the flowers now. I need it." Anito at muling ibinalik ang atensyon sa laptop.
Kaagad akong tumalima at naglakad patungo sa pinto.
"Noime." Tawag nito sa akin.
Napalingon ako dito at nabigla nang pahagis nitong iabot sa akin ang susi ng kotse nito. Mabuti na lang at kaagad ko iyong nasalo.
"Use my car. Malayo ang flower shop mula dito. I don't want you to commute dahil baka matagalan ka. I need the flowers because it's my girlfriend's birthday today so please, come back as soon as possible." Seryosong usal nito.
Tumango ako bilang tugon at kaagad na lumabas. Nang nasa loob na nang kotse nito ay napabuntong-hininga ako. Is this why he teach me how to drive? Para lang bilhan ng kung ano-ano ang girlfriend nito?
Yes, he teach me how to drive two months ago. And I've been buying stuffs for his girlfriend. Ako palagi ang inuutusan nito at puro girlfriend na lang nito ang bukam-bibig nito.
Not that I'm complaining, I just hate the fact that he's always thinking of her girlfriend. Ni hindi man lang ako iniisip bilang empleyado nito. Katulad na lang ngayon na hindi masyadong maganda ang pakiramdam ko.
And he was calling me "Noime" for months now. Hindi na ako nito tinatawag na Ysay at hindi ko alam pero namimiss ko ang pagtawag nito sa akin sa ganoong pangalan.
Napabuntong-hininga ako at nagmaneho patungong flower shop. Malayo iyon. Halos kalahating oras yata akong nagmaneho. Iyon lang kasi ang flower shop na gusto ni Clyde. He's a regular customer there, halatang palaging bumibili ng bulaklak para sa girlfriend nito.
Habang nakatitig sa babaeng inaayos ang mga bulaklak ay napaisip ako. Ako kaya? Kailan ako makakatanggap ng bulaklak?
Napailing ako. Hindi ko dapat iniisip ang bagay na iyon. I should focus on Claude.
"Thank you, Ma'am." Magiliw na sabi sa akin ng may-ari ng flower shop bago ako umalis.
Muli akong pumasok sa kotse at maingat na nilagay ang bulaklak sa backseat. Kahit masama ang pakiramdam ay pinilit ko pa ring magmaneho pabalik sa club. Ramdam ko ang init at pananakit ng katawan ko. Mukhang natuluyan na ako kahit uminom na ako ng paracetamol kaninang umaga.
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#7: Clyde Hernandez "If only I could go back to the past and change everything. I want to have you so bad but it was all so fucked up." - Clyde Hernandez Date started: September 28, 2019 Date ended: October 25, 20...