Chapter 42

106K 2.5K 871
                                    

CHAPTER 42

Hi to my dearest admins👇

Shiny, Christine G., Giselle, Lily Minnie, Hanna, Nhieca and Kristine Marie.😍😘

And also Hi to my moderators👇

Renz, Michelle, Kathy, Allexa, Jewel and Noime.😍🤗😘

Just want to say thank you sa inyo for helping me handle the Phoenixian's group. Thank you also sa walang sawang pagsuporta. Love na love ko po kayo.🤗😘

"WHAT?" Kunot-noong tanong ko sa mga kaibigan ko habang matamang nakatingin ang mga ito sa akin.

Nang sinabi ko kaninang magpapakulong ako ay kaagad nila akong sinugod sa opisina ni Adrian. Masama kong tinignan si Adrian dahil ito ang may kasalanan ng lahat. Tinawagan ba naman lahat ng Phoenix.

Binato ako ni Ryder ng throw pillow sa mukha.

"Gago ka. Hindi ka nakakatuwa." Anito at akmang susugurin ako nang pigilan ito ni Rein.

"Puwede ba? Mag relax tayong lahat. Hindi nakakatulong ang init ng ulo niyo." Saway nito at halos sabay na napabuntong-hininga ang lahat.

Si James ay seryoso lang na nakatingin sa akin na tila nagpipigil lang din na sugurin ako.

"Nakulangan ka yata sa bugbog, tangina ka." Malutong na nagmura si Ryder. Ito ang pinakamainit ang ulo sa lahat.

"Anong problema mo, bud? Ipatusok kaya kita sa nurse mo at nang huminahon ka?" Si Edsel na napapailing habang nakatingin kay Ryder.

"Gago. Si Ryder ang may pantusok, bud. Matulis pa nga at siguradong malaki at mahaba." Ngumisi si Ethan.

Nawala ang ngisi nito nang tinignan ito ng masama ni Ryder at napakamot sa ulo.

"Bakit? Jutay ba, bud?" Natatawang tanong nito.

Akmang susugurin ito ni Ryder nang biglang kumilos si Ethan at mabilis na nagtago sa likod ni Prince.

"Brother in law, oh. Ipagtanggol mo ako, sasaktan niya ako." Parang batang sumbong nito kay Prince.

Si Prince ay malakas na itinulak si Ethan patungo kay Ryder kaya mabilis itong nasakal ni Ryder gamit ang matitipunong braso nito.

"T-Teka! Nagbibiro lang naman ako! Nakita ko naman kung gaano ka kalaki, eh! Anaconda pa nga!" Anito na tinatapik-tapik ang braso ni Ryder na nasa leeg nito.

Ang iba ay mahina na lang na natatawa hanggang si binitawan ito ni Ryder at sunod-sunod ang pag-ubo nito.

Nang makahinga na ito ng maayos ay tinignan nito ng masama si Prince.

"Taksil kang kaibigan. Tandaan mo, hinding-hindi kita susuportahan pagdating sa kapatid ko. Kapag ikaw umiyak sa harapan ko, tatawanan kitang tangina ka." Anito kay Prince.

Si Prince ay ngumisi lang.

"Hinding-hindi ko iiyakan ang kapatid mo, don't worry." Tugon nito.

"Kakainin mo din 'yang sinasabi mo, Prince. 'Wag ka lang talagang iiyak sa harapan ko, tatawanan talaga kita. Lalo pa ngayon, Arriane entertained a suitor." Malapad na ngumisi si Ethan.

Prince stilled for a while. Tila nag-iisip ito at kapagkuwan ay tumikhim.

"W-Wala akong pakialam." Anito na bahagya pang nautal.

Napabuntong-hininga ako at napailing. Nagtama ang mga mata namin ni James. Ang berdeng mga mata nito ay malalim na nakatingin sa akin. Napalunok ako. May masama pa yatang binabalak ang lalaking 'to sa'kin.

Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon