Chapter 9

100K 2.9K 685
                                    

CHAPTER 9

KINABUKASAN ay nagising ako at napakunot ang noo nang makitang wala sa tabi ko si Claude. Sinipat ko ang relo at nakitang alas otso na ng umaga. Mukhang maagang nagising ang kapatid ko.

Bumaba ako mula sa kama at lumabas. Nag-inat ako at nabitin sa ere ang mga kamay ko nang makita ang kaisa-isang taong hindi ko inaasahang makikita ko ng ganito kaaga.

Nakaupo ang boss ko sa sirang sofa at ang mga mata ay nakatutok sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko nang may ma-realized. Kaagad kong tinakpan ang dibdib ko.

Wala akong suot na bra!

"A-Anong g-ginagawa mo d-dito? K-Kanina ka pa? P-Paano ka nakapasok dito?" Nauutal na tanong ko.

Bumaba ang mga mata nito sa dibdib ko at kapagkuwan ay muling ibinalik ang tingin sa mukha ko. I saw amusement in his eyes while he was  looking at my face.

"S-Sandali. Magbibihis lang ako." Sabi ko at kaagad na bumalik sa loob ng kuwarto.

Napatingin ako sa sariling repleksyon ko sa mahabang salamin na nasa kuwarto ko at halos kastiguhin ko ang sarili dahil sa nakitang pagmumukha ko.

Ang gulo-gulo ng buhok ko!

Dumiretso ako sa banyo at mabilis naligo. Mabilisan din akong nagbihis at nagsuklay at lumabas ng kuwarto.

Naabutan ko si Clyde na kausap si Claude. Ang ganda-ganda ng ngiti ng kapatid ko habang kausap ang binata.

Tumikhim ako para kunin ang atensyon ng mga ito.

"Ate, maagang dumating si Kuya Clyde kaya pinapasok ko na. Dinalhan niya akong laruan." Anito at pinakita ang malaking tren na laruan sa'kin.

Tinignan ko ang binata.

"Ang aga mong dumating. Nag-almusal ka ba?" Tanong ko.

"I told you, susunduin ko kayo." Anito.

"But I didn't expect you to be this early." Sabi ko at naglakad patungo kay Claude.

"Take a bath na, okay? Magtitimpla lang ako ng kape para kay kuya. Magbihis ka na rin tapos suotin mo 'yong binili kong damit last week." Sabi ko at ginulo ang buhok nito.

Kaagad itong tumango at tumingin kay Clyde.

"Huwag ka pong aalis, ha?" Anito sa binata. Tila takot na baka pagbalik nito ay wala na si Clyde.

Natatawang ginulo ni Clyde ang buhok ng kapatid ko.

"I won't, little boy. Dito lang ako, hindi ako aalis so take a bath na para makaalis na tayo." Nakangiting sabi nito.

Kaagad na tumalima ang kapatid ko at ako naman ay dumiretso sa maliit na kusina namin.

"Kayong dalawa lang ba ang nakatira dito?" Napapitlag ako sa baritonong boses na iyon.

Bakit hindi ko man lang ito namalayang sumunod ito sa'kin?

Nilingon ko ito.

"Oo. Kaming dalawa lang." Tugon ko at muling itinutok ang mga mata sa pagtimpla ng kape nito.

Umupo ito sa silya kaharap ng kahoy na mesa. Inabot ko ang kape sa binata at nagpasalamat ito.

He sipped the coffee and I saw satisfaction in his eyes.

"Magaling magturo si Daniel. Nakuha mo agad ang timpla ng kape ko." Komento nito.

"Actually, 'yan yata ang nakalimutan niyang ituro sa'kin." Wika ko at napangiwi.

Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon