CHAPTER 32
"NOIME."
Natigil ako sa pagsakay sana sa taxi nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.
"Elisse." Sambit ko sa pangalan nito nang makitang bumaba ito mula sa kotse nito.
Tumingin ito sa maletang dala ko at kapagkuwan ay lumipat ang tingin kay Claude.
"It's late. Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong nito.
"Ahm..."
"Huwag ka ng sumakay sa taxi. Sumabay ka na sa'kin. Saan ka ba pupunta? Ihahatid ko na kayo." Alok nito.
Mabilis akong umiling.
"Elisse, hindi na kailangan. Salamat na lang at-"
"I insist. Halika na. Pasok kayo sa kotse ko at ihahatid ko kayo." Pamimilit nito.
Tumingin ako sa taxi driver at nakakaitinding tumango naman ito at kapagkuwan ay umalis.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Elisse habang titig na titig sa akin. Marahil ay nakita nito ang namamagang mga mata ko dahil sa pag-iyak.
Hindi ako umimik. Hindi ko sinagot ang tanong nito. Ilang sandali lang ay nagpatango-tango ito.
"Mukhang nag-away kayo ni Clyde?" Mahinang tanong nito.
"Elisse-"
"Nevermind. Mamaya na natin pag-usapan 'yan. Pumasok na kayo sa kotse ko." Anito at nauna ng naglakad patungo sa kotse nito.
Nakita kong may tinawagan ito at may kinausap. Kaagad nitong ibinulsa ang cellphone nang makapasok kami ni Claude sa loob ng kotse nito sa mismong backseat.
"Saan ko kayo ihahatid?" Tanong nito nang nasa biyahe na kami.
Naikagat ko ang ibabang labi. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ako tutungo. Ayoko din namang tumuloy kina Juvy dahil siguradong mapupuntahan ako ni Clyde doon.
"You can stay in my place, Noime." Nakita ko ang kaseryosohan sa mga mata ni Elisse nang magtama ang mga mata namin sa rearview mirror ng kotse nito.
Akmang tatanggi ako nang muli itong nagsalita.
"Huwag ka ng tumanggi at bawal kang tumanggi. Stay in my house just for a while hanggang sa hindi ka pa nakakahanap ng matutuluyan. Welcome ka doon sa bahay ko. Hindi ko man alam kung ano ang nangyari sa inyo ni Clyde, may ideya ako na seryoso ang dahilan mo kung bakit umalis ka ng ganitong oras." Sambit nito.
Ilang sandali akong napaisip at parang napapagod na tumango ako. Sumandal ako sa upuan.
"Thank you, Elisse." Parang pagod na pagod na sambit ko.
Pakiramdam ko ay napakaraming nangyari ngayong araw na 'to at ang tanging gusto ko na lang ay ang ipahinga ang katawan, utak at lalo na ang puso ko.
Nilingon ko si Claude na tahimik lang na tumitingin sa bintana ng kotse. Kinabig ko ito papalapit sa akin at hinalikan ang tuktok ng ulo nito.
Hindi ito umimik at niyapos lang ako sa beywang. I feel like I'm going to cry again because of his gesture. Ito na lang ang tanging importanteng tao sa buhay ko.
"Galit ka ba?" Mahinang tanong ko.
Hindi ito umimik. Sa halip ay tahimik lang itong umiiyak.
"Kuya C and you were crying earlier. Ang sakit-sakit po ng puso ko ngayon, ate." Mahinang usal nito.
Kinagat ko ang ibabang labi at pilit kong pinapakalma ang sarili.
"Sorry, Claude. Magiging okay din ang lahat, okay?" Alo ko sa anak at hinalik-halikan ito sa pisngi.
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#7: Clyde Hernandez "If only I could go back to the past and change everything. I want to have you so bad but it was all so fucked up." - Clyde Hernandez Date started: September 28, 2019 Date ended: October 25, 20...