Chapter 28

96.5K 2.5K 307
                                    

CHAPTER 28

NAIKUYOM KO ang mga kamao at natigilan nang maramdamang basa ang pisngi ko ng luha.

Why am I crying? Bakit napaka-emotional ko yata ngayon? Hindi ko mapigilan ang sarili kanina at bigla akong nainis kay Clyde.

Paglabas ko mula sa kuwarto nito ay dumiretso ako sa likod ng hospital kung saan may maliit na park at may iilang pasyenteng naglalakad-lakad doon kasama ang mga mahal nila sa buhay.

Nagtataka ako at medyo nahiya sa inasta ko sa harapan ni Clyde. Hindi ako ganito. Hindi ako mabilis mainis at mahaba ang pasensya ko. Siguro ay nag-alala lang ako ng sobra sa binata kaya nagkakaganito ako.

"Noime." Napalingon ako sa nagsalita at nagulat nang makita si Clyde.

Mabilis ko itong nilapitan at napatingin sa tagiliran nito. Medyo may dugo iyon.

"Nababaliw ka na ba, Clyde? Bakit umalis ka sa kuwarto mo? Hindi ka pa magaling." Nag-aalalang sabi ko at hinawakan ko ito sa braso para sipatin ang sugat nito sa tagiliran.

"Tignan mo, dumudugo na 'yong-" Natigilan ako nang bigla ako nitong kinabig at ikinulong sa mga braso nito.

"Galit ka ba? Sorry na. Hindi ko na uulitin. Sorry na, please. Sorry, Noime. Sorry." Anito at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa'kin.

Dahan-dahan ay umangat ang mga kamay ko para yakapin ito pabalik.

"H-Hindi naman ako galit. Nagtatampo lang. Hind mo naman kailangang umalis doon sa kuwarto mo. Baka mapaano ka pa niyan." Mahinang usal ko.

Kumalas ito mula sa pagkakayakap sa'kin at napatitig ako sa mga mata nito. Mamula-mula iyon. Umiyak ba siya?

"Promise? Hindi ka galit?" Tanong nito.

Tumango ako.

"Promise."

Tila nakahinga ito ng maluwag at kapagkuwan ay napangiwi.

"Pero tuluyan talaga akong magagalit kapag may nangyaring masama sa'yo sa paglabas mo doon sa kuwarto mo." Seryosong sabi ko.

Alanganin itong ngumiti at hinawakan ako sa kamay.

"Huwag mo naman akong sungitan, mahal. Natatakot ako." Parang batang pag-amin nito.

Gusto ko itong pagtawanan dahil halata nga sa mukha nito na natatakot ito. Isipin mo? Ang guwapo at maskuladong lalaking 'to, takot sa'kin? Parang hindi kapani-paniwala.

"Heto na, babalik na ako. Hindi na matigas ang ulo ko. Promise, 'yong sa ibaba lang ang titigas." Anito at matamis na ngumiti.

Mahina akong natawa at napailing.

Inalalayan ko itong maglakad pabalik sa private room nito.

"Pagsabihan mo 'yan, baka masakal ko." Naiiling na sambit ni Rein matapos nitong ibalik ang dextrose sa kamay ni Clyde.

"Sorry, pasaway 'tong pasyente mo." Nakangiwing sambit ko.

Rein just nodded at me.

"Ikaw na ang bahala sa kanya. Aalis na ako." Paalam nito at tumingin kay Clyde.

"Magpagaling ka." Anito sa binata.

Clyde nodded.

"Thank you, bud." He murmured.

Rein just shrugged his shoulders and left us.

"Si Claude, is he okay?" He asked.

Tumango ako.

"He's with James and Princess." Tugon ko at hinawakan ito sa kamay.

"Hindi na kami safe ni Claude sa-"

Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon