CHAPTER 5
HINDI AKO MAKATINGIN ng diretso sa boss ko nang magligpit na kami para umuwi. Madilim na at naghahanda na ang lahat para sa pag-uwi namin.
Medyo kumukidlat at kumukulog kaya nagmamadali kaming magligpit. Balita daw kasi ay may bagyo, mahirap na dahil baka maabutan kami ng malakas na ulan habang nasa daan. Isang oras pa naman ang biyahe namin bago makauwi.
"Ny, kay Boss Pogi ka na makisabay. Napuno ng gamit 'yong van, hindi na tayo magkakasya." Sambit ni Juvy.
Ni hindi man lang ako nito binigyan ng pagkakataong makatanggi at kaagad nitong kinausap ang boss namin at narinig ko pa ang sinabi nitong isabay ako sa kotse nito.
Nauna na silang lahat at tanging kaming dalawa na lang ang naiwan.
"Let's go." Untag ng boss ko at naunang naglakad patungo sa kotse nito.
Kaagad akong sumunod at hindi ko na hinintay na pagbuksan ako nito ng pinto. Ako mismo ang nagbukas ng pinto ng kotse nito sa passenger's seat at kaagad akong pumasok.
Tumitig lang ito sa akin at kapagkuwan ay pumuwesto ito sa driver's seat.
Pareho kaming walang imik habang nasa biyahe.
"Sir, salamat sa tulong mo kanina." Basag ko sa katahimikan.
Sinulyapan ako nito.
"I told you to stop calling me Sir." Anito sa napakaseryosong boses.
Naikagat ko ang ibabang labi.
"Salamat sa tulong mo kanina, Clyde. You saved me from humiliation earlier. Maraming salamat." Mahinang sabi ko.
He just nodded at me.
"Just be careful next time. Make sure na nakatali ng mahigpit at maayos ang suot mo." May diin sa bawat salita nito.
Tumango ako at hindi na umimik.
Nasa kahabaan na kami na kami ng biyahe nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Halos wala na akong makita sa kalsada dahil sa sobrang lakas ng patak niyon.
"Fuck!" Napatingin ako kay Clyde nang malutong itong nagmura at kasabay niyon ay ang pagtigil ng sasakyan.
"A-Anong nangyari?" Kinakabahang tanong ko.
Sa halip na sagutin ako ay lumabas ito kahit napakalakas ng ulan. Patakbo itong tumungo sa harapan at nakita kong binuksan nito ang hood ng kotse nito. Ilang minuto itong naroroon na parang may inaayos at ilang sandali lang ay isinara nito ang hood ng kotse.
Binuksan nito ang pinto ng kotse at pumasok na basang-basa sa ulan.
"I'm sorry. Nasiraan tayo." Anito at napabuntong-hininga.
Awtomatiko akong kumuha ng malinis na tuwalya sa bag ko at pinunasan ang basang ulo nito. Natigilan ito at maging ako ay natigilan din.
Nagtama ang mga mata namin habang ang mga kamay ko ay nasa ulo nito. Bigla akong lumayo nang mapagtanto ang ginawa ko.
"S-Sorry. Nakasanayan ko lang gawin sa kapatid ko." Nahihiyang hinging-paumanhin ko.
Totoo iyon. Madalas kong ginagawa ang pagpunas sa ulo ni Claude kapag basa ito o bagong ligo. Nakasanayan ko lang siguro kaya ganoon ang naging kilos ko sa harapan ng binata.
Tumango ito at ito na mismo ang nagpunas ng ulo nito gamit ang tuwalya.
"Salamat." Usal nito.
Tumingin ako sa labas. Napakalakas pa din ng ulan.
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#7: Clyde Hernandez "If only I could go back to the past and change everything. I want to have you so bad but it was all so fucked up." - Clyde Hernandez Date started: September 28, 2019 Date ended: October 25, 20...
