Chapter 22

110K 2.7K 362
                                    

CHAPTER 22

NATIGILAN AKO nang makita si Clyde at Claude na naghahabulan malapit sa dalampasigan. Naririnig ko ang halakhakan ng mga ito kaya nagising ako.

Pinagmasdan ko ang binata na hinahabol si Claude. Kaagad na nag-init ang pisngi ko nang maalala ang ginawa nito kagabi.

Pakiramdam ko ay nasa pagkababae ko pa rin ang mga labi nito. Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko dahil sa sobrang init niyon.

Sariwang-sariwa pa rin sa isip ko ang mga ginawa nito kagabi. Hindi ako nito tinigilan kagabi hangga't hindi ito na-satisfied sa pagpapaligaya sa'kin at ako namang si marupok ay nagpadala sa kapusukan nito.

Muli akong napatingin kay Clyde na ngayon ay nakasakay na sa likod nito ang anak ko. Halatang nag-eenjoy ang dalawa.

Humakbang ako papalapit sa kanila.

"Claude, enough na. Bawal kang mapagod." Sambit ko nang tuluyang makalapit.

"Oh, my sweet Ysay is here." Kitang-kita ko ang pagkislap ng kapilyuhan sa mga mata ng binata. "Goodmorning, baby. How was your sleep? Himbing na himbing ka sa pagtulog kaya hindi na kita ginising. Alam kong napagod ka kaya sinadya kong huwag kang gisingin." Anito at ang loko ay ngiting-ngiti pa.

Hindi ko ito pinansin.

"Claude, pasok ka na sa loob, ha? Bawal kang mapagod kaya behave, okay? Manood ka na lang ng favorite anime mo sa loob." Sabi ko at mahinang kinurot ang makinis na mukha nito.

Kaagad itong tumango. Bumaba ito mula sa likod ni Clyde at kapagkuwan ay iniwan kaming dalawa.

"Goodmorning again, baby." Matamis akong nginitian ni Clyde.

"About what happen last night, hinding-hindi na mauulit 'yon." Mariing usal ko.

"Yeah?" Ngumisi ito at humakbang papalapit sa akin. Napatitig ako sa labi nito nang binasa nito ang ibabang labi gamit ang dila nito.

Tumitig ito sa mga mata ko at akmang aatras ako nang mabilis ako nitong kinabig sa beywang.

"Hindi na mauulit? Hindi yata ako makakapayag, baby. What I did to you last night..." Sinadya nitong ibitin ang sasabihin at dinama ng daliri nito ang gilid ng labi ko. ",was just a one fourth of my performance, baby. Hindi mo pa natitikman ang kabuuan ng performance ko." Anito at ngumiti.

Napalunok ako nang ikiniskis nito ang labi sa malambot na labi ko.

"Whether you like it or not, I will mark you as mine, Ysay. That's a promise." Mahinang sabi nito at muling hinaplos ang buhok ko.

"Akin ka naman talaga noon pa man. Minarkahan na kita. Nakuha kita kaya hinding-hindi ako makakapayag na mapunta ka sa iba." Bulong nito.

Hindi ko naintindihan at mas lalong hindi ko iyon narinig dahil sa sobrang hina ng pagkakasabi nito.

Bahagya ko itong itinulak at iniwan ito. Diretso akong pumasok sa resthouse nito at pumasok sa kuwarto kung saan naganap ang lahat sa amin ni Clyde kagabi.

Nag-init ang pisngi ko nang makitang gulo-gulo ang bedsheet at nasa sahig na ang ibang unan. Tila naaalala ko pa kung gaano kalakas at kaingay ang mga ungol ko kagabi habang paulit-ulit ako nitong kinakain.

Nagpailing-iling ako at pilit na iwinawaksi sa isip ang mga eksenang iyon kagabi. Inayos ko ang bedsheet at ang mga unan at kapagkuwan ay dumiretso ako sa banyo para maligo.

Nang makalabas ako ay nagulat ako nang naroroon si Clyde. Prente itong nakaupo sa kama na tila sinasadyang hintayin ako.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Nauutal na tanong ko.

Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon