Chapter 20

108K 2.9K 478
                                    

CHAPTER 20

"KUYA C. Ang ganda-ganda po dito. Puwede bang huwag na lang tayong umalis dito?" Narinig kong tanong ni Claude habang nasa labas ang mga ito.

Gumawa si Clyde ng bonfire at ngayon nga ay nasa buhangin ang dalawa, parehong nakaupo habang nakatingin sa apoy.

Tinignan nito si Claude at kapagkuwan ay ginulo ang buhok nito.

"Puwede naman, baby boy. But as you can see, kailangang magtrabaho ng ate mo at malayo ang lugar na 'to sa syudad. Nasa syudad kasi ang buhay natin pero puwede naman tayong bumalik dito sa susunod. Promise, babalik tayo dito." Paliwanag nito sa bata.

Nakakaintinding tumango ang bata.

"Basta po promise 'yan, ha? Babalik tayo dito." Anito at humilig sa matipunong braso ng binata.

Kaagad itong inakbayan ni Clyde at hinalikan ang ulo nito. Bakit ba kapag magkasama ang dalawa ay tila napakasarap tignan? Mapagkakamalan talagang mag-ama ang dalawa ng ibang tao dahil sa sobrang closeness ng mga ito.

"Hindi sinasabi ni ate mo kung anong sakit mo. Puwede ko bang malaman, baby boy?" Mahinang tanong ng binata.

Bago pa man makasagot si Claude ay nag-ring na ang cellphone ko dahilan para mapalingon ang binata sa akin.

Dinukot ko mula sa bulsa ang cellphone at tinignan kung sino ang tumatawag. Si Samuel.

Pumasok ako sa loob ng resthouse ni Clyde at sinagot iyon.

"Samuel." Bungad ko.

"I heard you had a business tour with Sir Clyde. Okay ka lang ba diyan?" Wika nito sa kabilang linya.

Business tour pala ang dinahilan nito. Magaling na lalaki. Bakit hindi na lang sinabi na kinidnap ako nito?

"Okay lang. Sorry kung hindi ko na nasabi sa'yo, Samuel. Nawala kasi sa isip ko at-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may humablot sa cellphone ko.

Hindi makapaniwalang tumingin ako kay Clyde na siyang kumuha ng cellphone ko. Madilim ang mukha nito.

"Clyde, I'm talking to Sam-" Nanlaki ang mga ko nang hinagis nito ang cellphone ko sa pader. Nakita ko kung paanong nagkapira-piraso iyon.

"Bakit mo ginawa 'yon? Sinira mo ang cellphone ko!" Gigil na sambit ko.

"Bibilhan kita ng bago." Seryosong usal nito at napaatras ako nang humakbang ito papalapit sa akin. "Ayokong nakikitang nakikipag-usap ka kay Samuel." Mariing usal nito.

Tinaasan ko ito ng kilay.

"Manliligaw ko si Samuel. Natural na kakausapin ko siya at-"

"Make him stop courting you, Noime." Mariing utos nito.

"At sino ka para utusan ako ng ganyan?"

"Dahil nagseselos ako, tangina!" Nabigla ako sa pagtaas ng boses nito. At mas lalong nabigla ako sa mga sinabi nito.

Napasabunot ito sa sariling buhok at kapagkuwan ay marahas na napabuntong-hininga.

"Don't you get it? Nagseselos ako kay Samuel." Mahinang sambit nito.

"B-Bakit ka naman nagseselos? H-Hindi mo naman ako girlfriend." Medyo nanginginig ang mga kamay na usal ko.

"Do I have to answer that, Noime?" Diretso itong nakatingin sa mga mata ko.

"I-I mean, may girlfriend ka, Clyde. Hindi ako ang girlfriend mo pero bakit nagseselos ka kay Samuel at-"

"Hindi mo ba talaga makuha?" Humakbang ito papalapit sa akin at kapagkuwan ay kinabig ako sa beywang. Titig na titig ito sa mga mata ko.

Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon