CHAPTER 23
Kagabi pa dapat 'to kaso dinagdagan ko pa ang scenes kaya natagalan. Hindi na ako nakapag-update kahapon dahil bumawi muna ako ng tulog.
Enjoy reading!😘
I WAS EXPECTING Clyde to claim my body. Pero nang makarating kami sa kabilang kuwarto ay maingat lang ako nitong pinaupo sa malapad na kama at kapagkuwan ay lumuhod sa harapan ko.
Sinapo nito ang mukha ko habang titig na titig sa mga mata ko.
"Tell me what happened." He murmured.
Napatitig ako sa mga mata nito.
"Clyde-"
"Just tell me what happen. Makikinig ako. Tell me, sino ang tumawag sa'yo?" Hindi ko alam pero nahimigan ko ang panganib sa boses nito.
Nagbaba ako ng tingin at naikuyom ko ang nanginginig na mga kamay.
"S-Someone who ruin my life in the past." Mahinang tugon ko at nag-umpisang tumulo ulit ang mga luha ko.
"H-Hindi mo siya kilala. H-He's powerful and he can do anything to ruin you." Sabi ko at napahilamos sa mukha.
"Natatakot ako, Clyde. Natatakot ako dahil baka kung ano ang gawin niya sa'kin at kay Claude." Impit akong napaiyak.
Inangat nito ang mukha ko at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.
"Listen to me, Noime. Look at me and listen to me." Napakaseryoso ng boses nito.
Dahan-dahan ay tinignan ko ito sa mga mata.
"I'm here. Hindi kita papabayaan. Hindi ko kayo papabayaan ni Claude. Tutulungan kita. I will do everything to protect you both. Just... Just trust me. Kahit anong mangyari o kahit ano pa ang malaman mo, just promise that you'll trust me, Noime. Can you do that, hmm, baby?" Habang tinitignan ko ito sa mga mata ay nanghihingi iyon ng tiwala, punong-puno iyon ng pakiusap at nagpapahiwatig ng isang pangako.
"W-Why?" Mahinang tanong ko.
Hindi ito umimik sa tanong ko.
"B-Bakit gusto mo akong tulungan? Bakit ginagawa mo 'to? Bakit?" Naguguluhang tanong ko.
Umangat ang kamay nito at hinaplos ang buhok ko.
"Silly girl." Napailing ito.
"Ganyan ka ba talaga kamanhid, Ysay? Don't you feel it? This man like you a lot. Hindi mo ba talaga nararamdaman?" Sambit nito sa napakahinang boses.
Pakiramdam ko ay parang may kumiliti sa puso at tiyan ko dahil sa narinig. Pero sa kabila ng mga sinabi nito ay kinuotan ko pa rin ito ng noo. Hindi ko pinahalatang apektado ako sa sinabi nito.
"Clyde, may girlfriend ka at-"
"Elisse has nothing to do with my feelings towards you, Ysay. Huwag mo siyang ipasok sa usapan. Ikaw ang nandito sa harapan ko at hindi siya. Anong gagawin ko para lang maniwala ka na gusto kita?" Sobrang seryoso ang mukha at boses nito.
"Bakit kasi gusto mo ako?" Inosenteng tanong ko.
"Siguro dahil masarap ka." Tugon nito.
Pinanlakihan ko ito ng mga mata at mahina itong natawa.
"Just kidding." Anito at muling hinaplos ang buhok ko. "Pero totoo naman talagang masarap ka." Hindi naaalis ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito.
Sinimangutan ko ito.
"Tinatanong kita, bakit gusto mo ako? Anong nagustuhan mo sa'kin? At paano si Elisse? Kapag nalaman niya 'to siguradong-"
"Elisse and I broke up, Noime." Putol nito sa sasabihin ko.
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)
Roman d'amourMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#7: Clyde Hernandez "If only I could go back to the past and change everything. I want to have you so bad but it was all so fucked up." - Clyde Hernandez Date started: September 28, 2019 Date ended: October 25, 20...