Chapter 16

117K 2.9K 715
                                        

CHAPTER 16

This chapter is dedicated to you Ate Juvy Aposaga. Happiest Birthday po, ate ko. Wish you more birthdays to come and more candles to blow. Super thankful po ako for having a reader like you. I feel the full support and your love to my stories. Thank you so much, ate. You're one of my inspirations. Thank you for all the praises and compliments. Super thank you for supporting me. I love you!💛😘 Be healthy always and God bless.😘

NAALIMPUNGATAN AKO nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Kinusot-kusot ko ang mga mata at tinignan kung sino ang tumatawag.

Napakunot ang noo ko nang makitang si Clyde ang tumatawag. Tinignan ko ang oras at alas onse na ng gabi. Why is he calling me at this hour?

Akmang sasagutin ko iyon nang marinig ko ang malalakas na katok mula sa labas ng pinto.

Bumangon ako at dali-daling binuksan ang pinto. At sa pagkabigla ko ay nakita ko si Clyde habang hawak-hawak ang cellphone nito.

"Y-You're n-not answering your p-phone." Anito sa lasing na boses.

Kaagad ko itong dinaluhan nang makitang matutumba ito. Napangiwi ako nang maamoy ang alak sa binata.

"Bakit lasing ka na naman?" Tanong ko.

Sinapo nito ang mukha ko.

"Noime." Tawag nito sa pangalan ko habang nakatitig sa akin, pilit na inaaninag ang mukha ko dahil sa sobrang kalasingan nito.

"Himala hindi Elisse tawag mo sa'kin." Sarkastikong usal ko.

Napailing ako at sinara ang pinto. Ayokong ipasok ito sa condo unit namin dahil baka maistorbo nito ang pagtulog ni Claude lalo pa't may sinat ito kanina.

Naglakad ako patungo sa harap ng pinto ng sarili nitong condo unit.

"I don't know your password." Usal ko at habang nakaakbay ito sa balikat ko.

"Your birthday." He murmured.

Kinuotan ko ito ng noo.

"My what?"

He let out a chuckle.

"My password is your birthday." Anito at pilit na inaayos ang pagkakatayo.

Naguguluhan man ay pinindot ko ang password na sinasabi nito at napaawang ang labi ko nang bumukas nga ang pinto ng condo nito.

Bakit birthday ko 'yong password nito?

Mabilis ko itong ipinasok sa loob at isinara ang pinto. Kahit na hirap na hirap ay nagawa ko itong ipasok sa loob ng kuwarto nito.

Pinahiga ko ito at sa pagkabigla ko ay isinama ako nito sa pagbagsak ng katawan nito sa malambot at malapad na kama. Tuloy ay napahiga ako sa ibabaw ng katawan nito.

Nakapikit na ito at walang-wala na talaga sa sarili dahil sa kalasingan nito. Akmang aalis ako sa ibabaw nito nang hawakan ako nito sa likod, walang balak na bitawan ako.

"Just stay here." He murmured.

I was waiting for him to say Elisse's name but he didn't speak anymore. I'm wondering kung aware ba ito na ako ang kasama nito.

"Bakit nagpakalasing ka? Nag oo ba si Elisse sa proposal mo? Too much happiness kaya uminom ka ng uminom?" Mahinang tanong ko.

He just groaned.

Napailing ako at muling tinangkang umalis mula sa ibabaw nito pero mas idiniin lang nito ang katawan ko sa katawan nito.

"Huwag ka munang umalis, Ysay. Please." Tila desperado ito, nagmamakaawa.

Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon