CHAPTER 33
ILANG ARAW ng matamlay si Claude, napapansin ko iyon. Hindi ako nakatiis at nilapitan ko ito. Gabi
"Claude, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko habang nakahiga ito sa kama.
Hindi ito kumilos. Hindi ito nagsalita. Nanatili lang itong nakatalikod sa akin.
"Claude, kausapin mo si ate, please. Masama ba pakiramdam mo? May gusto ka bang kainin? Sabihin mo lang. Anong gusto ng Claude ko?" Malambing na tanong ko.
Nakahinga ako ng maluwag nang humarap ito sa akin. Napangiti ako pero kaagad na nawala ang ngiti ko nang makitang umiiyak ito.
"Claude... Ano bang problema? Sabihin mo kay ate, please." Sabi ko habang pinupunasan ang mga luha nito.
"G-Gusto kong m-makita si Kuya C." Anito at bumangon.
Napatitig ako sa anak ko. Ang lungkot-lungkot ng mga mata nito.
"Claude-"
"Gusto ko po makita si Kuya C, ate. Miss na miss ko na po siya. Please po. I want to see him." Anito at niyakap ako habang umiiyak.
Naikagat ko ang ibabang labi. Anong nangyayari sa anak ko? Parang alam na alam nitong si Clyde ang ama nito at tila ayaw humiwalay sa binata. Naramdaman ba ni Claude? Naramdaman ba nito ang lukso ng dugo para sa sarili nitong ama?
"Claude... Hindi puwede. M-May nangyari at-"
"Gustong-gusto ko po siyang makita, ate. Sorry po pero ang sakit-sakit po kasi. Ang sakit ng puso ko. Hindi ko po alam ang dahilan basta alam ko lang po ay gustong-gusto kong makasama si Kuya C." Anito at humagulhol ng iyak habang yakap-yakap ako.
"Claude..." Hindi ako makapagsalita. Anong gagawin ko?
"Payagan mo na po ako, ate. Gusto ko po siyang makita. Sige na po, ate." Punong-puno ng pakiusap ang boses nito.
"Claude, makinig ka sa'kin. Hindi-"
"Noime." Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Elisse na nakatayo sa nakabukas na pinto ng kuwarto.
"Elisse, pasensya ka na. Masyadong emosyonal kasi 'tong si-"
"Nasa labas si Clyde." Natigilan ako sa sinabi nito.
At sa pagkabigla ko ay kumalas si Claude sa pagkakayakap sa akin at nagmamadaling bumaba sa kama.
"Talaga po? Nandito si Kuya C?" Sumisinghot na tanong nito kay Elisse.
Elisse smiled at him and nodded.
"Yes, honey. Nasa labas siya." Anito at tumingin sa akin. "Nandito siya para kunin kayo." Makahulugang sabi nito.
Bigla akong napatayo nang makitang patakbong lumabas ang anak ko.
"Claude!" Sinundan ko ito at natigilan nang makita si Clyde sa salas.
He was sitting in front of Claude and hugging my son so tight. Kitang-kita ko ang pagbagsak ng mga luha sa mga mata nito habang yakap-yakap ang anak ko. Iba ang paraan ng pagyakap nito kay Claude. Tila sabik na sabik ito at halos ayaw ng bitawan ang anak ko.
Clyde and Claude are both crying while hugging each other. Basang-basa ang dibdib ng binata dahil sa mga luha ng anak ko.
Habang pinagmamasdan ko ang dalawang nag-iiyakan ay tila sinasaksak ang puso ko. Napakagandang tignan na magkayakap ang mag-ama pero bakit ang sakit ng puso ko? Bakit ang sakit-sakit?
Humiwalay si Clyde sa anak ko at sinapo ang maliit na mukha nito. Tinitigan nitong mabuti ang kabuuan ng mukha ni Claude at kapagkuwan ay umagos ang masaganang luha mula sa mga mata nito.
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#7: Clyde Hernandez "If only I could go back to the past and change everything. I want to have you so bad but it was all so fucked up." - Clyde Hernandez Date started: September 28, 2019 Date ended: October 25, 20...