Chapter 14

98.1K 2.8K 592
                                    

CHAPTER 14

"DID YOU BRING enough clothes?" Clyde asked as he was waiting for me outside the door of the condo unit.

Kaagad akong tumango kahit wala akong ideya kung saan kami pupunta.

"I'm with my friends. We will visit a female friend." Anito.

Marahil ay nahalata nitong gusto kong magtanong. Kinuha nito ang bag na dala ko.

"Let's go." Anito at nauna ng naglakad.

Sumunod ako hanggang sa makarating kami sa parking lot. At doon ay nakita ko ang mga kaibigan ni Clyde. May dalang iba't-ibang sasakyan ang mga ito. Kaagad silang kumaway sa amin nang makita kami.

Isa-isa kong nakilala ang mga ito dahil kaagad akong pinakilala ni Clyde. At ilang sandali lang ay nasa biyahe na kaming lahat. Nasa loob ako ng kotse ng binata. Ni walang nagsasalita sa aming dalawa. Pareho lang kaming tahimik hanggang sa tumawag ang girlfriend nito.

Lihim na lang akong napabuntong-hininga habang naririnig kong nakikipag-usap ang binata sa kasintahan nito. He had this sweet voice whenever he is talking to Elisse.

Puso, kaya mo pa ba?

"Matulog ka muna. Medyo malayo pa tayo." Anito sa seryosong boses.

Tumango ako at pumikit. Ayoko ng magsalita. Kung puwede nga lang, huwag ko na lang itong kausapin. Kaso hindi naman puwede dahil boss ko ito.

Isang minuto pa lang yata akong nakapikit nang marinig ko ang isang tugtog. I know the song and I smiled bitterly. Ang kantang iyon, bagay na bagay sa nararamdaman ko at pinagdadaanan ko ngayon.

Heto na naman ako,
Nag-aabang ng bago sa istorya ko,
Paulit-ulit na lang
Paulit-ulit na lang.

Heto na naman ako,
Tinitignan sa'n nagkamali ang puso ko,
Parang walang katapusan
Walang katapusan.

Kahit pilitin pa'ng sarili
Ibigin ka, mali,
Ako'y Mali

Ako'y Mali
Paano ba ang magmahal?
Palagi bang masasaktan

Umiiyak na lang palagi,
Gusto ko nang lumisan.
Paano ba ang magmahal?
Kailangan bang masasaktan

Lagi na lang, di maaari
Ngunit ayaw lumisan.

Kailan ba, ang tamang panahon
Kailan ba, magkakataong malaya na
Ang puso mo, at puso ko.

Paano ba ang magmahal?
Palagi bang nasasaktan
Umiiyak na lang palagi,
Gusto ko nang lumisan.

Paano ba ang magmahal?
Kailangan bang nasasaktan
Umiiyak na lang palagi
Lagi na lang, di maaari
Umiiyak na lang palagi
Lagi na lang, di maaari
Ngunit ayaw lumisan.

Napamulat ako ng mga mata at naikuyom ko ang mga kamao nang matapos ang kanta. Nanadya yata ang kanta at nakakainis iyon.

"Are you okay?" Tanong nito.

"I can't sleep." Tugon ko at napabuntong-hininga.

"Huwag mong pilitin ang sarili mo." Anito.

Bahagya ko itong sinulyapan.

"Paano kung pinipilit ng puso ko?" Wala sa sariling tanong ko.

"What?" Bahagyang kumunot ang noo nito.

Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon