CHAPTER 17
MY PHONE KEEPS ringing but I keep ignoring it. Elisse was calling me for how many times but I keep ignoring her calls. I don't want to talk to her yet. I don't want to see her yet.
Pero kahit anong iwas ko, heto't kaharap ko siya ngayon sa loob ng condo ko. Nagpupumilit itong kausapin ako.
"I will give you five minutes. After five minutes, puwede ka ng lumabas." Walang emosyong sabi ko habang diretsong nakatingin sa mga mata nito.
"Clyde. Gusto ko lang namang tanggapin mo ang sorry ko. I didn't meant to hurt you and-"
"You already hurt me, Elisse. Ano pa ba ang magagawa ng sorry mo?" Mahina akong natawa.
"Clyde, please." Nagmamakaawa ang boses nito. "Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?" Maluha-luhang tanong nito.
Tinitigan ko ito at kapagkuwan ay humakbang papalapit dito.
"Kiss me." I demanded.
"Clyde-"
"Kung gusto mong mapatawad kita, kiss me." Mariing utos ko.
Napalunok ito at kapagkuwan ay sinunod ang gusto ko. She kiss me on my lips. Kaagad ko itong hinawakan sa batok at pinalalim ang halik.
We kissed torridly and there's something in our kiss that I can't explain. May nagbago. Ramdam kong may nagbago. Ilang buwan ko ng nararamdaman iyon pero ngayon ko lang pinansin.
Kusa akong kumawala sa halik nito at bahagyang umatras. Wala sa sariling napahawak ako sa sariling dibdib.
"Minahal mo ba ako, Elisse?" Mahinang tanong ko.
Kaagad itong tumango.
"Yes, Clyde. Trust me, minahal kita." Tugon nito.
Tumango ako.
"Naalala mo ba noong una tayong nagkita?" Muling tanong ko.
She nodded again.
"I can't forget that day when we first met, Clyde. Y-You saved me from an attempted rape five years ago. And after that, hinabol-habol mo na ako. Hindi mo ako tinatantanan hanggang sa magustuhan kita and you keep saying that I am your first love."
Tinignan ko ito ng diretso sa mga mata at kapagkuwan ay umiling.
"No, you're not my first love and I realized it just now." Mahinang sabi ko.
"I fell inlove to that innocent woman whose begging and crying in front of me. Why did I realized it just now?" Napasabunot ako sa sariling buhok at mahinang natawa.
Matagal akong tinignan ni Elisse, pinapahiwatig ng mga mata nito na naiintindihan ako nito.
Alam nito ang kuwento ko. Alam nito ang nangyari sa nakaraan ko.
"And I think I know her." She murmured.
Tila nanghihinang napaupo ako sa sofa. Tumabi ito sa akin at humilig sa balikat ko.
"Papanagutan ka ba ng gagong Vincent na 'yon?" Tanong ko.
Tumango ito.
"He promised to marry me." Tugon nito.
Napabuntong-hininga ako at hinalikan ito sa ulo.
"So, this is how we gonna end our relationship?" I asked.
Tinignan ako nito at malungkot na ngumiti.
"I'm sorry, Clyde." Guilt was written all over her face.
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#7: Clyde Hernandez "If only I could go back to the past and change everything. I want to have you so bad but it was all so fucked up." - Clyde Hernandez Date started: September 28, 2019 Date ended: October 25, 20...