Chapter 44- The Final Chapter

119K 2.8K 390
                                    

THE FINAL CHAPTER

"DADDY C! I LOVE YOU po!" Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mag-ama ko na parehong naglalaro sa gilid ng pool.

It's been months since Claude undergone his operation. Thankfully, Clyde's bone marrow matched to his and we immediately undergo Claude's bone marrow transplant and the operation went smoothly.

Aamin kong natakot ako at alam ko na ganoon din si Clyde nang malaman ang kalagayan ni Claude. But Clyde did everything for his son. Hindi nito pinabayaan si Claude at halos wala itong pahinga noong mga panahong inooperahan na si Claude.

Dumagdag pa na mas lalong naging maselan ang paglilihi ko at ito lagi ang napagbubuntunan ko ng inis. Hindi ko nga alam kung paano nitong nakayanan ang lahat lalo na noong nanganak na ako sa aming mga anak.

Magaling na si Claude noon pero ako naman ang muntik ng mapahamak sa panganganak sa mga supling namin. I had an emergency C-section dahil hindi ko kinaya ang normal na panganganak. Paano ko nga bang kakayaning manganak ng normal kung tatlong supling ang ilalabas ko mula sa aking sinapupunan?

Yes, we had a triplets. Two girls and one boy. I still remember Clyde's face when he saw our babies. He cried so hard because of happiness when he saw our little kids.

Muli ay pinagmasdan ko ang panganay na anak at ang aking asawa. Tinitigan ko si Clyde at napangiti.

Hindi ko pinagsisisihan na pinatawad ko ito. Muli ko itong tinanggap sa buhay ko.
Totoo nga pala talaga na mas malalamangan ng labis na pagmamahal ang bawat sakit at kirot ng nakaraan mo. Matututo kang magpatawad at kalimutan ang lahat. Pero minsan ay depende pa rin sa dahilan at sitwayson.

Pinagtagpo man kami ni Clyde sa hindi tamang rason at maling pagkakataon, nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos na binigay Nito ang isang Clyde Hernandez sa buhay ko.

Bumawi ito. Pinakita nito kung gaano kami kahalaga sa buhay nito. Halos sa amin na umikot ang mundo nito at labis-labis na ang kasiyahan ko. Sa piling ni Clyde, wala na akong mahihiling pa.

"Love." Tumingin ang asawa ko sa akin at ngumiti.

Sandali nitong iniwan si Claude at nilapitan ako. Siniil ako nito ng halik sa mga labi na kaagad ko namang tinugon.

"Where are the kids?" Tanong nito nang maghiwalay ang mga labi namin.

"Sleeping. Mahilig matulog. Tapos gising na gising na naman mamayang madaling araw. Ikaw tuloy ang napupuyat." Sabi ko at hinaplos ang pisngi nito.

Ayaw nitong nagpupuyat ako. Kaya ito ang palaging gising sa gabi at madaling araw para asikasuhin ang mga kambal. A very responsible father, indeed. And I really admire him for that. Kulang na lang ay hati-hatiin nito ang sarili para lang maasikaso kaming lahat.

Ngumit ang asawa ko at muli akong hinalikan sa mga labi.

"It's okay, mahal ko. Strong 'to. Masaya ako sa mga ginagawa ko. Ayoko lang na mapagod ka at mapuyat. Nahirapan ka sa pagbubuntis at panganganak. Kahit sa ganito man lang, makabawi ako." Anito habang hinahalik-halikan ako sa labi.

"But..." Diretso itong tumingin sa mga mata ko. "Miss na miss na kita. Three months na ang triplets natin. Puwede na siguro?" Anito na napapakamot sa ulo.

Mahina akong natawa. Sa loob ng tatlong buwan, alam kong nagtiis ang asawa ko. Tatlong buwan na ako nitong hindi naaangkin. Kitang-kita ko ang pagpipigil nito sa sarili sa bawat araw at gabing magkasama kami. Nakuntento lang ito sa paghalik at paghaplos sa akin. Aaminin ko na pati ako ay nasasabik na rin sa asawa ko.

"Puwede na. Mamayang gabi?" Nang-aakit na tanong ko.

Desire filled in his eyes.

"Fuck. I can't wait for that. Puwede bang gabi na?" Anas nito na ikinatawa ko.

Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon