Chapter 38

100K 2.8K 660
                                    

CHAPTER 38

"DALAWANG BUWAN ka ng nawala. Kailan mo balak magpakita sa mag-ina mo?" Napalingon ako sa nagsalita mula sa dilim.

Hindi ako umimik at tinignan ko lang ito. We're both wearing all black. From head to toe,  kahit ang suot naming cap ay itim din.

"I'm asking you, Kuya Clyde." Anito sa malalim na boses.

Tinitigan ko itong mabuti. Until now, I still can't believe that he's my brother. A half-brother, to be exact.

"Bakit ka sumama?" Tanong ko, hindi pinansin ang sariling tanong nito.

"Binabantayan ka, siyempre." Puno ng sarkasmong tugon nito.

"Ilang taon mo na akong binabantayan, hindi ka pa nagsasawa?" Puno din ng sarkasmong tanong ko.

He just sighed.

"Sige na. Akyatin mo na ang sarili mong bahay. Dito lang ako sa labas. Bakit ba kasi kailangan mo pang akyatin 'yan ng pasekreto? Puwede ka namang pumasok at magpakita agad kay Noime." Anito at napabuntong-hininga.

"Magpapakita din ako pero huwag muna sa ngayon. Hinahanap ko pa ang tanginang Randy na 'yon. Ang galing magtago ng gago. Pero malapit ko na siyang makita." Mariing usal ko at ngumisi.

"Mas magaling kang magtago. Kita mo? Ni hindi ka mahanap ng leader niyo. Matalino si James, alam kong nagdududa siya. Hindi siya naniniwalang patay ka na. Hindi ko nga alam kung pinaniwalaan niya 'yong fake DNA result ng katawan mo na personal kong ginawa." Napapailing na sambit nito.

"Correction. Hindi ako nagtago. Tinago mo ako. Tinago niyo ako habang wala akong malay. Nagpagaling ako dahil nasunog ang ilang parte ng katawan ko at hindi ako makabangon ng ilang araw." Pagtatama ko dito.

"Whatever." Anito at namulsa.

"Thanks for saving me, anyway. I owe you my life." Mahinang sabi ko.

Tumingin ito sa akin.

"You defused the bomb just the right time. You saved yourself, not me. Nagkataon lang na may iba pang bomba doon at kaagad kitang naalis do'n ng hindi tuluyang nasunog at sumabog ang buong katawan mo." Nagkibit-balikat ito.

Napatitig ako dito. Kahit naligtas ko ang sarili mula sa bomba na kinuha ko mula kay Noime ay hindi pa rin ako makakalabas ng buhay doon kung hindi dahil sa tulong ng lalaking ito na nasa harapan ko. Ayaw lang talaga nitong ipakita that he really care for me kahit halata naman.

"Love you, brother." I grinned at him and he just tsked.

Nag-umpisa akong umakyat sa mataas na gate ng sarili kong bahay at dahan-dahan ay binuksan ko ang pinto. Good thing I still have the key.

Tahimik kong tinungo ang kuwarto at dahan-dahang binuksan ang pinto niyon.

And I smiled when I saw the love of my life. Nakahiga ito sa malapad na kama habang yakap-yakap ang damit ko.

Napatingin ako sa katabi nito. My son, Claude, is hugging her tight.

Hindi ko napigilan ang sarili. Dahan-dahan akong dumukwang at maingat na hinalikan sa pisngi ang anak ko. Sunod kong tinignan si Noime at napatitig ako sa labi nito.

Dinampian ko iyon magaang halik.

"I love you, love." I whispered.

Tinitigan kong mabuti ang magandang mukha nito.

"Just wait a little bit, love. Babalik din ako sa inyo." Mahinang bulong ko at nanatili akong nakatitig sa maamong mukha nito.

I'm thankful that she's safe now. Medyo nakokonsensya lang ako dahil kailangan muna nitong magdalamhati sa pagkawala ko.

Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon