Chapter 34

97.8K 2.5K 693
                                    

CHAPTER 34

"AVOID HER from stress, Mr. Hernandez. Nakakaapekto sa pinagbubuntis niya ang matinding stress. Medyo mahina ang kapit ng bata at kailangang mag-ingat kayo. If this will happened again, we can't save the baby anymore." Dra. Franklin explained.

Napakurap ako at tila nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Noime is pregnant. She's pregnant with my baby. Our baby.

"Mr. Hernandez? Are you listening?" The doctor asked.

Mabilis akong tumango.

"Y-Yes. Thank you, doc." Sabi ko at tumingin kay Noime.

She's not in pain anymore but she looks like she's not in herself. Tulala itong nakatingin sa kisame.

"I'll leave her to you. Take care of your wife, Mr. Hernandez." Dra. Franklin said and left.

Lumapit ako kay Noime at akmang hahawakan ito nang tumigil ako. Bigla kong binawi ang mga kamay. I shouldn't touch her. Ayokong basta-basta na lang lang itong hawakan dahil baka magalit na naman ang dalaga sa'kin.

Nahawakan ko lang siya kanina dahil sobrang nag-alala ako. She was pale and I was so scared seeing her like that. Sobrang nanginig ako sa takot at kaba nang makita kong namimilipit ito sa sakit.

"I'm pregnant." She murmured.

Mahina itong natawa at naluha.

"You got me pregnant. Again." Tumingin ito sa akin. Puno ng kalungkutan ang mga mata nito.

Hindi ko alam ang sasabihin. Sa nakikita ko ay parang hindi nito matanggap na ako ang ama ng pinagbubuntis nito. She can't accept me.

Sino nga ba naman ang babaeng tatanggap sa lalaking ginahasa ka noon, sinira ang buhay mo at binigyan ka ng mapait na alaala?

Hindi ko ito masisisi kung galit ito. Kung walang puwang sa puso nito ang pagpapatawad. Naiintindihan ko ito dahil alam kong hindi basta-basta ang mga pinagdaanan nito.

"May gusto ka bang kainin?" Mahinang tanong ko.

Inaasahan kong sisinghalan ako nito. Pero tumango lang ito.

"Gusto kong kumain ng rambutan." Usal nito at nag-iwas ng tingin.

"Rambutan? Okay, ibibili kita. Ano pang gusto mo?" Muling tanong ko.

"Pizza, cheese bread atsaka doughnut." Mahinang sagot nito.

Natigilan ako. Is this a pregnancy thing? Her cravings?

"S-Sige. Bibilhin ko lahat ng gusto mo." Medyo natatarantang sabi ko at kaagad na nagpaalam.

Lumabas ako at nakasalubong ko si James.

"Noime is pregnant and she wants to eat rambutan. M-May mabibili kaya ako?" Natatarantang tanong ko.

James just look at me flatly.

"Bakit ka natataranta?" Parang gusto ako nitong pagtawanan.

"B-Baka kasi magalit kapag hindi ko mabili agad." Nakangiwing tugon ko.

James nodded.

"Mahirap magalit ang mga buntis, C. Kaya sibat na. Galit na nga sa'yo, baka mas lalo pang magalit." Nakangising sambit nito, tila tinatakot ako.

At ako naman 'tong gago, totoong natatakot nga. Aaminin kong kapag galit si Noime, takot na takot na ako. She's like a sweet angel pero kapag nagagalit ito, matataranta ka na lang.

"I'll go ahead." Mabilis na paalam ko at dumiretso sa parking lot.

Habang nagmamaneho ako ay tinawagan ko si Juvy para sabihing puntahan nito si Noime sa hospital.

Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon