CHAPTER 30
"BABY, tanghali na. Ayoko sanang gisingin ka pero alas dose na ng tanghali at hindi ka pa kumakain." I groaned in protest as Clyde tried to wake me up.
"Don't mind me, please. Gusto ko pang matulog." Mahinang reklamo ko at mas lalong niyakap ang unan.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Clyde.
"Tinatamad bumangon ang baby ko. Sige, ganito na lang. Iaakyat ko na lang ang pagkain mo dito, okay? Kain ka kahit konti lang tapos matulog ka ulit, hmm?" Anito sa malambing na boses.
Tango lang ang naging sagot ko. Nanatili akong nakapikit hanggang sa maramdaman ko ang paglabas ng binata sa kuwarto.
Sobrang antok na antok ako kahit napakahaba na ng tulog ko. And I've been like this for almost two weeks now. Palagi akong tinatamad kumilos at palagi din akong nahihilo.
Napadaing ako nang maramdaman ang paghilab ng tiyan ko. Para akong naduduwal. Mabilis akong bumangon at patakbong tinungo ang banyo nang hindi mapigilan ang sarili. Nagsuka ako ng nagsuka sa toilet bowl at mangiyak-ngiyak habang sinusuka ang nasa tiyan ko.
Ilang minuto akong ganoon hanggang sa maramdaman ko ang marahan na paghaplos sa likod ko.
"Are you okay?" It was Clyde.
Nahimigan ko ang pag-aalala sa boses nito.
I flushed the toilet. Tumayo ako at nagmumog sa sink ng bathroom. Mabilis kong pinunasan ang bibig ko at tinignan si Clyde.
"Nalipasan lang siguro ako ng gutom." Tugon ko.
Humakbang ito papalapit sa akin at hinaplos ang buhok ko.
"Next time gigisingin na kita ng maaga para makakain ka, okay? Huwag na huwag ka na ulit magpapalipas ng gutom." Anito sa malambing na boses.
Bahagya akong napasimangot at kapagkuwan ay humilig sa dibdib nito.
"Inaantok pa talaga ako." Mahinang sambit ko.
He let out a soft chuckle.
Pumulupot ang mga kamay nito sa beywang ko.
"Napapansin ko napaka-antukin mo na ngayon." Anito at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
Tumango ako.
"Sobra. Gustong-gusto ko pang matulog." Sambit ko at pumikit habang nakasandal sa malapad at matigas na dibdib nito.
"I'll carry you to our bed." Anito at hindi na ako nagreklamo pa nang maingat ako nitong pinangko at binuhat.
Ibinaba ako nito sa kama at kaagad kong naamoy ang pagkain na dala nito.
"Kumain ka na para makatulog ka ulit." Anito.
"How about Claude? Kumain na ba siya?" Tanong ko.
Clyde smiled and nodded.
"Sabay kami kanina. He's in his room right now. Nagbabasa ng libro. Nagustuhan niya 'yong mga nakita niyang libro sa mini-library ko. Ang hilig din palang magbasa ng batang 'yon." Nakangiting sabi nito.
"Oo, mahilig sa libro 'yon. Tapos ang bilis din niyang matandaan ang mga binabasa niya. He's smart, Clyde." Nakangiting sabi ko, proud na proud sa anak ko.
"Yeah, I can see it." Tugon nito at kinuha ang tray na nakapatong sa bedside table.
Hindi na ako nakaangal pa nang inumpisahan ako nitong subuan ng pagkaing dala nito. Hindi ako nito tinigilan hangga't hindi ko nauubos ang pagkain. Maging sa pag-inom ng tubig ay ito ang nagpainom sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/201755303-288-k766926.jpg)
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#7: Clyde Hernandez "If only I could go back to the past and change everything. I want to have you so bad but it was all so fucked up." - Clyde Hernandez Date started: September 28, 2019 Date ended: October 25, 20...