Chapter 40

107K 2.6K 344
                                    

CHAPTER 40

NAGHIWALAY ang mga labi namin at ilang beses akong napakurap. Pero kahit ilang beses pa ang pagkurap ko ay hindi nawawala sa paningin ko si Clyde.

Wala sa sariling inabot ko ang pisngi nito at hinaplos iyon.

"T-Totoo ka." Mahinang usal ko.

Hinawakan nito ang kamay kong nasa pisngi nito at hinalikan iyon.

"Yes, love. Buhay na buhay ako." Anito habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

Dahan-dahan kong ibinaba ang mga kamay ko. Hindi ako umimik at tinitigan lang ang guwapong mukha nito.

Ilang sandali lang ay naikuyom ko ang kamay at buong lakas na sinapak ko ito sa mukha. Nabigla ito sa ginawa ko at nanlaki ang mga matang tinignan ako.

"Love naman." Tunog nagrereklamo ito.

Napangiwi naman ako nang maramdaman ang pagsakit ng kamao ko. Napalakas ang sapak ko dito at napakatigas naman kasi talaga ng bawat parte ng katawan ng lalaking 'to.

"I'm just checking kung totoo ka nga." Nakangiwing sabi ko.

"Fuck. Inaasahan ko naman na sasapakin mo ako pero nabigla pa din ako." Napapailing na sambit nito at parang batang tumingin sa akin.

"Don't you see this?" Tinuro nito ang gilid ng labi na may sugat. "Binugbog ako ni James at Ryder, love. Binugbog nila akong dalawa. Umawat lang ang iba kong kaibigan." Anito na tila nagsusumbong.

"Tangina, nakakatakot si James. Kulang na lang sunugin ako ng buhay kanina. Tapos si Ryder, kulang na lang balatan ako ng buhay. Hindi makatarungan ang ginawa nila sa'kin, mahal ko." Hindi ko tuloy alam kung magagalit ba ako o matatawa dahil sa nagpapaawang ekpresyon nito habang nagsusumbong.

"You deserved it. Sinong hindi magagalit sa ginawa mo?" Inis na sambit ko.

Alanganin itong ngumiti.

"Sorry na, love. May balak naman akong magpakita, eh. Wala akong balak takasan ka. Hindi porke't nabuntis kita ay tatakas na ako. Matapang 'to. Pananagutan kita. Pangako. Pananagutan ko ang batang nasa sinapupunan mo." Sunod-sunod na sabi nito.

Gigil na hinampas ko ito sa mukha.

"Gago ka! Pananagutan mo naman talaga ako! Pinikot mo na nga ako, di' ba?" Nanggigigil na sambit ko at muli ko itong hinampas sa mukha.

Hindi ito umiwas sa bawat hampas ko. Sa halip, tawa lang ito ng tawa.

"Oo nga pala. Pinikot nga pala kita, mahal." Natatawang sambit nito.

Mas lalo lang akong nanggigil. Bakit parang biro lang dito ang lahat? Dalawang buwan itong nawala. Dalawang buwan akong nagluksa at lumuha tapos ganito lang ang ibubungad nito?

"Gago ka! I hate you!" Sigaw ko habang patuloy ko itong hinahampas sa mukha at sa dibdib nito.

Hindi na ito umimik nang umiyak ako ng umiyak.

"Bakit parang wala lang sa'yo? Bakit parang pinaglalaruan mo lang ako, ha? Hindi mo ba alam ang naramdaman ko nang makita kong sumabog ang building na 'yon habang naroroon ka? Hindi mo ba alam ang sakit ng pagkawala mo?! Gago ka! Gago ka talaga! I hate you, Clyde! I hate you!" Paulit-ulit kong sigaw.

Napabuntong-hininga ito at pinigilan ang mga kamay ko. Kinabig ako nito at ikinulong sa mga bisig nito.

"I'm sorry. I'm sorry, love. Sa totoo lang, takot ako. Takot akong lapitan ka kaya dinadaan ko sa biro. Wala akong ibang kinakatakutan kundi ikaw lang, Noime. Kapag ikaw na ang kaharap ko, natatakot ako, kinakabahan ako. Fuck, nakakabakla pero takot na takot ako sa'yo. Hindi ko nga alam kung paano kitang lalapitan. Pinapalakas ko lang ang loob ko dahil kailangan kitang kausapin at ipaliwanag sa'yo ang lahat. Patawarin mo ako, mahal. Patawarin mo ako. Please?" Nagsusumamo ang boses nito.

Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon