CHAPTER 31
MABILIS AKONG PUMASOK sa loob ng kuwarto ni Claude nang makauwi ako.
"Ate!" Kaagad na bungad ni Claude sa akin nang makita ako.
Dumiretso ako sa cabinet at nilabas lahat ng gamit nito.
"Ate, saan po tayo pupunta?" Inosenteng tanong nito at lumapit pa para tulungan ako.
Nang maipasok ko ang lahat ng gamit nito sa maliit na maleta ay sinapo ko ang mukha nito at akmang magsasalita nang matigilan ako.
Napatitig ako sa guwapong mukha nito at kapagkuwan ay hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Ngayong alam ko na kung sino ang ama nito ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Masakit sa puso habang tinitignan ko ito. He really look like his father. Sobrang magkamukha ang dalawa.
"Bakit ka po umiiyak, ate? May umaway ba sa'yo? Ituro mo ate tapos susuntukin namin ni Kuya C. Ipagtatanggol ka namin sa kanila. Nandiyan si Kuya C para ipagtanggol tayong dalawa at-"
"Listen to me, Claude." Putol ko sa sasabihin nito at pinunasan ko ang mga luha ko. "W-We will leave here, okay? Aalis tayo. Sasama ka sa'kin." Sabi ko at mahigpit itong hinawakan sa mga kamay.
"Bakit po, ate? Ayaw mo na po ba dito?" Nagtatakang tanong nito.
Umiling ako.
"Basta, huwag ka ng magtanong, ha? Sumama ka sa'kin. Aalis tayo. Lalayo tayo at-"
"Pero ayoko pong umalis dito, ate. Gusto ko po dito. Ayokong iwan si Kuya C dito. Ayoko siyang iwan." Anito at natigilan ako ng umiyak ito.
"Claude... Please. Kailangan nating uma-" Nahinto ako sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwan niyon si Clyde.
Nagsalubong ang mga mata namin at kaagad akong nag-iwas ng tingin.
"Kuya C!" Bumitaw si Claude mula sa akin at kapagkuwan ay tumakbo ito patungo sa binata.
"Kuya C, aalis daw kami. Bakit kami aalis? Hindi ka ba kasama? Gusto ko kasama ka. Ayokong iwan ka dito." Umiiyak na sumbong ng anak ko sa binata.
Hinaplos ni Clyde ang ulo ng anak ko.
"Mag-uusap lang kami ni ate mo, ha? Sa labas ka muna, okay? Don't worry, hindi ako papayag na aalis kayo ng hindi ako kasama. Sige na, sa labas ka na muna, hmm?" Malambing na sambit nito kay Claude at kaagad namang tumalima ang bata.
Mabilis itong lumabas ng kuwarto at iniwan kaming dalawa ng binata.
Binitbit ko ang maleta pero mabilis iyong inagaw ng binata mula sa akin at ibinalik nito iyon sa kama.
"Noime, let's talk. Please." Pakiusap nito.
Hindi ko ito tinignan at nilampasan lang ito pero bago ko pa man mabuksan ang pinto ng kuwarto ay naramdaman ko na ang yakap ng binata mula sa likod ko.
"Please, Noime. Hayaan mo akong maipaliwanag ko ang lahat. Pakinggan mo ako, please." Puno ng pagsusumamo ang boses nito.
"Bitawan mo ako, Clyde." Mariing utos ko.
Pero sa halip na sundin ako nito ay mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa akin.
"Hindi. Hindi ako papayag. Hindi kita bibitawan, Noime. Hinding-hindi kita bibitawan." Anito at isinubsob ang mukha sa batok ko.
Naramdaman ko ang mainit na likido sa batok ko at natigilan ako. Is he crying?
Mariin akong napapikit. Hindi ako pwedeng magpadala sa inaakto nito. Maybe he was just acting to make me stay. Hindi dapat ako magpaapekto sa iyak nito. Hindi dapat.
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#7: Clyde Hernandez "If only I could go back to the past and change everything. I want to have you so bad but it was all so fucked up." - Clyde Hernandez Date started: September 28, 2019 Date ended: October 25, 20...