CHAPTER 3
NAG-UMPISA AKONG magtrabaho sa club. Mabuti na lang at may nag-aalaga sa kapatid ko kaya kahit nagtatrabaho ako sa gabi ay hindi ako nag-aalala. Nakalabas na din ito sa hospital noong nakaraang linggo kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.
Halos dalawang linggo na akong nagtatrabaho sa C'Club. Wala namang nagiging problema pero medyo asiwa lang ako sa suot ko dahil skirt na maiksi iyon na kulay itim at ang polo shirt kong kulay pula ay hapit na hapit sa katawan ko. Medyo nakabukas ang butones sa harap at konti na lang ay lilitaw na ang cleavage ko. Naka-itim na boots din ako na abot hanggang tuhod ko.
Ang ikinaganda lang sa boots na suot ko ay magaan iyon at medyo presko sa paa pero hindi ako sanay na nakalitaw ang mga hita ko kaya kapag nagseserve ako ng alak sa mga customers ay medyo naaasiwa pa ako. Siguro ay masasanay din ako.
Iyon ang uniform ko sa trabaho. Hindi ako nagsusuot ng ganito ka sexy na damit pero wala lang talaga akong choice. Kailangan ko ang trabahong ito. Ang pasok ko araw-araw ay alas tres ng hapon at uuwi ako ng alas onse ng gabi. Depende na lang sa amin kung gusto naming mag extend ng oras sa trabaho dahil binabayaran naman ng boss namin kapag overtime kami.
"Ny, table 10. Pakihatid muna 'to, please. Kanina pa ako naiihi, eh." Nakangiwing sabi ng bestfriend kong si Juvy.
Nginitian ko ito at kinuha mula dito ang hawak nitong tray na may mamahaling alak.
"Sige, ako ng bahala." Sabi ko at tinaboy ito.
Naglakad ako patungo sa table 10 at nakangiting ibinigay ang order ng mga ito.
Nang pabalik na sa bar counter ay nahagip ng mga mata ko si Sir Clyde. Abala ito sa pakikipag-usap sa cellphone nito.
"Mukhang hands-on si Boss Pogi sa business niya ngayon. Napapansin ko napapadalas siya dito sa club, eh. Isang beses sa isang buwan mo lang 'yan makikita dito noon. Minsan hindi pa nga pumupunta dito pero ngayon halos araw-araw nandito." Narinig kong nagsalita si Juvy sa tabi ko.
"Baka hindi busy." Wika ko.
"Baka nga hindi busy sa girlfriend niya." Tugon ng kaibigan ko.
Mukhang mahal na mahal nga nito ang girlfriend nito. Madalas ko itong naririnig na naglalambing sa tuwing kausap nitonang girlfriend sa cellphone. Curious tuloy ako kung ano ang hitsura ng kasintahan nito.
Nagpatuloy ako sa trabaho. Madaming customer kaya medyo busy ang lahat. Kasalukuyan kong hawak ang isang malaking baso ng beer para ihatid sa isang customer nang maramdaman kong may humawak sa beywang ko.
Nilingon ko kung sino iyon at bahagya akong nanigas nang makitang lalaki ang humahawak sa akin at matamis na nakangiti.
Sa pagkabigla ko ay bumuhos ang beer na hawak ko sa bandang dibdib ko. Ramdam ko ang sobrang lamig niyon.
"Aww. I'm sorry. Nabigla yata kita." Sabi ng lalaki at mas idinikit ang katawan ko sa katawan nito.
Hindi ako makakilos at nakaramdam ng panginginig. Ito ang iniiwasan ko sa ilang linggo na nagtatrabaho ako dito. Ang mahawakan ako ng kung sinong lalaki.
"Mukhang bago ka dito at alam mo bang napakaganda mo? Puwede ka ba ngayong gabi? Tara sa condo ko, hihintayin ko ang oras ng paglabas mo. Don't worry, magbabayad ako kahit magkano para sa isang gabi mo at-"
"What's happening here?" Napapitlag ako sa baritonong boses na iyon.
Kaagad akong binitawan ng lalaki nang mapagsino ang nagsalita. It was the owner of this club, Clyde Hernandez.
"Is everything okay?" Tanong nito habang sa akin nakatingin.
Hindi ako nakapagsalita at sinalubong ang mga mata nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/201755303-288-k766926.jpg)
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#7: Clyde Hernandez "If only I could go back to the past and change everything. I want to have you so bad but it was all so fucked up." - Clyde Hernandez Date started: September 28, 2019 Date ended: October 25, 20...