CHAPTER 39
NAPATNGIN AKO sa labi ko sa harap ng salamin. Nagtataka ako kung bakit may maliit na sugat ang ibabang labi ko. Napangiwi pa ako nang hawakan ko iyon ay nakaramdam ako ng hapdi.
At hindi maalis sa isip ko ang kagabi. Alam kong sa panaginip ko lang iyon. Si Clyde ang nasa panaginip ko. He was kissing me deeply. At marahil ay guni-guni ko lang na naamoy ko ito kagabi sa loob ng kuwarto. Na-immune lang siguro ang ilong ko dahil palagi kong katabi ang damit nito.
"Mommy! Mommy!" Napalingon ako sa anak ko na patakbong lumalapit sa akin.
Napangiti ako. Hanggang ngayon, parang hindi pa rin ako sanay na tinatawag ako nitong mommy. Nakakapanibago pa rin pero napakasarap sa pakiramdam.
"Dahan-dahan lang." Saway ko.
May dala itong isang bungkos ng bulaklak at malaking tsokolate.
"Saan galing 'yan?" Kunot-noong tanong ko.
"May nagpapaabot po sa labas, Mommy. Lalaki siya. Nakatakip ang mukha at-" Kaagad kong kinuha ang bulaklak at tsokolate sa anak ko.
Kinakabahang sinipat ko iyon. Mahirap na baka may kasama iyong bomba o kung ano pa!
Nang masiguradong walang kahina-hinala sa bulaklak ay tinignan ko ang anak ko.
"Sa susunod huwag kang tumambay sa labas, anak. Dito ka lang sa loob, ha? Huwag na huwag kang makikipag-usap sa kahit na kanino lalo pa't hindi mo kakilala, maliwanag ba?" Pagalit na wika ko.
Napakamot ito sa ulo.
"Sorry po, Mommy. Wala po kasi si manong guard sa gate kaya ako na po nag-abot ng flowers and chocolate po. Sorry na po. Hindi na po maullit." Anito na halata talaga ang pagsisisi sa mukha nito.
Hinaplos ko ang ulo nito at tumango.
"Forgiven. Basta hindi na mauulit 'to, okay?" Mabilis itong tumango.
"Opo, Mommy. Promise po." Anito at niyakap ako.
Hinalikan ko ang ibabaw ng ulo nito.
"Miss ko na po si Daddy C, Mommy." Mahinang sabi nito.
Mariin akong napapikit at hinagod ko ang likod nito. How can I tell him about Clyde? Hanggang ngayon ay wala pa rin akong lakas ng loob. Pero hindi ko habang-buhay maitatago sa kanya ang lahat.
"Tomorrow, baby. You'll see him tomorro." Sabi ko at napabuntong-hininga.
Dadalhin ko ito bukas kung saan nakalagay ang urn ng abo ni Clyde.
"Talaga po, Mommy? Makikita ko na po siya?" Masaya akong nitong tinignan.
Tumango ako.
"Yes, baby." Tugon ko at nag-iwas ng tingin. Nagpakurap-kurap ako para pigilan ang pagtulo ng luha.
"Doon ka na muna sa kuwarto, ha? Magpahinga ka. Nilalagnat ka kagabi kaya kailangan mong magpahinga." Sabi ko at hinalikan ko ito sa noo.
Kaagad ako nitong sinunod. Nagpaalam ito at pumasok sa kuwarto. Claude is such a nice kid. Napaka-masunurin nito at sa edad nitong pitong taon ay tila matured na itong mag-isip. Mabilis nitong maintindihan ang mga bagay-bagay sa paligid nito.
Bumaba ang tingin ko sa bulaklak na hawak ko. May nakasabit na maliit na card doon. Out of curiousity ay binasa ko ang nakasulat doon.
I miss you.
Iyon lamang ang nakasulat sa card. Hand-written iyon.
Napabuntong-hininga ako. Marahil ay nagkamali lang ng pinagbigyan ang lalaking sinasabi ni Claude.
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#7: Clyde Hernandez "If only I could go back to the past and change everything. I want to have you so bad but it was all so fucked up." - Clyde Hernandez Date started: September 28, 2019 Date ended: October 25, 20...