Chapter 36

95.3K 2.5K 460
                                    

CHAPTER 36

"N-NASAAN SI CLYDE? Nakita niyo ba siya? H-He's safe, right?"

Tahimik ang mga kaibigan ni Clyde habang nasa loob sila ng kuwartong kinaroroonan ko. Walang gustong magsalita. Nagkatinginan lang ang mga ito at ni walang naglakas-loob na sagutin ang tanong ko.

"Please, sagutin niyo naman ako." Naluluhang pakiusap ko.

Lumapit sa akin ang isa sa mga kaibigan ni Clyde.

Si Amber.

Hinawakan nito ang kamay ko at napatingin ako sa namumulang mga mata nito.

"Before anything else, please think of your baby inside your tummy, Noime. Ipangako mo, magiging matatag ka para sa anak mo." Mahinang sabi nito.

Naikagat ko ang ibabang labi.

"Just tell me that Clyde is safe. Please." Nagsusumamo ako.

Dahan-dahan ay binitawan ako ni Amber at tumingin ito kay James.

"James." Anito na tila nanghihingi ng tulong.

James sighed. Katulad ng iba ay mamula-mula din ang mga mata nito. Tila kagagaling lang nilang lahat mula sa pagdadalamhati.

"W-We found his dead body inside the building, Noime." Tila biglang dumilim ang paningin ko dahil sa narinig.

Napahawak ako sa dibdib dahil parang kinakapos ako ng hininga.

"Hindi pa namin alam kung siya 'yon at-"

"It was him. Kaming dalawa lang ang naiwan sa building na 'yon. I-Iniwan ko siya. Mas inuna niya ako, James. God... Oh, Clyde." Napahilamos ako sa mukha at humagulhol ng iyak.

Naramdaman ko ang mga kamay ni Amber na humahagod sa likod ko.

"Be strong, Noime. Please. A-Alam ko ang pakiramdam ng nawalan ng taong minamahal kaya naiintindihan kita. Maging matatag ka para sa anak niyo, please." May pakiusap sa boses nito.

"Phyton." Napalingon kaming lahat sa nagsalita.

Si Ryder iyon na kakapasok lang. Inabot nito kay James ang brown envelope at kaagad iyong binuksan ni James. Parang pinipigilan ng lahat ang huminga.

Tumingin si James sa akin at malungkot na umiling.

"It's his DNA. Katawan niya ang natagpuan sa loob ng building." Mahinang usal nito.

Halos sabay na nagmura ang mga lalaki sa loob ng kuwarto na kinaroroonan ko.

"Tangina, nawala na nga si Renz pati ba naman si Clyde? Putangina." It was Edsel.

Parang gusto nitong magwala pero pinapakalma ito ng asawa nitong si Christine.

"This is your fault." Napatingin kaming lahat kay Ryder na ngayon ay sa akin na nakatingin.

"Ryder." May babala sa boses ni James.

Matalim na nagsukatan ng tingin ang dalawa.

"Totoo naman, hindi ba? Kung nakinig siya sa paliwanag ni Clyde, hindi sana nangyari 'to. Ikaw Phyton? Kung hinayaan mo na lang sana kaming kumilos para patayin ang Randy na 'yon noong pumunta siya sa club ni Clyde, hindi sana mangyayari 'to! Pero ano ang sinabi mo? We can't kill that Randy dahil maraming tao ang makakakita! Tangina, buhay ng kaibigan natin ang nakasalalay! Sumusunod lang kami sa lahat ng mga utos mo dahil ikaw ang lider sa grupo natin! Pero napaka-selfish mo, alam mo ba 'yon? Reputasyon mo lang ang iniisip mo!" Mataas ang boses na sambit ni Ryder.

Naging mabilis ang pagkilos ni James at kaagad nitong kinuwelyuhan si Ryder.

"Ginagawa ko lang ang tama, Ryder. 'Wag na 'wag mong kukuwestyunin ang pagiging leader ko sa inyo dahil tangina, hindi mo alam kung ano ang mga sinasakripisyo ko para lang sa inyong lahat! Mahalaga kayo para sa'kin. Putangina, kulang na lang ako ang papalit sa posisyon niyo para lang hindi ko kayo makitang nasasaktan at nahihirapan!" Dumagundong ang boses ni James sa kabuuan ng kuwarto at marahas nitong binitawan si Ryder.

Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon