Chapter 10

105K 2.8K 969
                                    

CHAPTER 10

CLYDE tried his best to calm me down. Nasa loob kami ng condo nito. Kaagad nito kaming dinala dito pagkatapos ng mga nasaksihan sa apartment ko.

Claude is still asleep. Nasa kuwarto ito ng binata.

Walang imik lang akong inabutan ng binata ng tubig habang inaabot sa'kin ang dalawang tabletang gamot para sa anxiety ko. Nang hindi ko pinansin iyon napabuntong-hininga ito.

"Noime Ysabelle, you have to take your medicine." Mariing usal nito, halata ang pagtitimpi sa boses.

Kung para saan ang pagtitimpi nito ay hindi ko alam. Marahil ay naiinis ito dahil ayokong inumin ang gamot ko. Binigkas nito ang buong pangalan ko, nangangahulugan na galit o naiinis ito. Ganoon naman ito kapag hindi nasusunod ang gusto nito.

"I don't want to. Kahit inumin ko 'yan babalik at babalik din naman ang-"

"Huwag matigas ang ulo, please. Baka kung mapaano ka pa kung hindi mo iinumin 'to." Putol nito sa sasabihin ko.

Matigas akong umiling.

He cursed harshly. Pinatong nito sa maliit na table ang isang basong tubig at sa pagkabigla ko ay sinubo nito sa sariling bibig ang dalawang tableta ng gamot at kapagkuwan ay dumukwang para sakupin ng halik ang mga labi ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nito. Napaawang ang mga labi ko at naramdaman ko ang pagtulak ng dila nito sa dalawang gamot na nasa bibig nito. Paunti-unti ay nalunok ko ang mga iyon.

He pulled away from me and sip from one glass of water on the table and leaned in again to claim my lips. Ang tubig mula sa bibig nito ay matagumpay nitong nailipat sa akin.

Nang tuluyan kong malunok ang tubig ay kinabig nito ang batok ko at marahang gumalaw ang labi nito para mas lalong palalimin ang halik.

Naipikit ko ang mga mata at gumalaw ang labi ko para tugunin ang halik. It was a long and a passionate kiss. It feels like that he's doing this to help me calm my nerves and it was effective.

Kung hindi lang namin kailangan ng hangin para makahinga ay hindi maghihiwalay ang mga labi namin.

He pulled away from me and I saw him close his eyes tightly. Tila kinakalma nito ang sarili sa hindi ko malamang kadahilanan. I even heard him silently cursing like he was in great pain. And when he open his eyes, I saw something there that I can't read.

"C-Clyde-"

"Don't speak, please." He said and sigh. His voice was hoarse.

"A-Are you mad?"

Seryoso itong tumingin sa akin.

"Yes." Tugon nito.

Nagbaba ako ng tingin.

"I'm sorry for dragging you into this. Hindi dapat kami naririto. Naging abala lang kami ni Claude sa buhay mo at-"

"I'm mad but not to you, Ysay." Napatingin ako sa napakaseryosong boses nito. "Kung sakaling wala ako doon ay baka kung ano na ang nangyari sa inyo ni Claude." Marahas itong napabuntong-hininga.

Nakaramdam ako ng kaba nang bahagyang tumalim ang mga mata nito.

"T-Thank you for helping me." Mahinang usal ko.

Tama ito. Kung sakaling wala ito kanina, kung sakaling hindi ito nagyayang mamasyal, kung hindi kami ginabi sa mall kasama ito, siguro ay baka kung ano na ang nangyari sa amin ni Claude.

Nanayo ang balahibo ko sa isiping iyon. Okay lang kung ako ang masaktan basta't huwag lang madamay si Claude. Hindi ko kakayanin kung sakaling may mangyaring masama sa kapatid ko.

Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon