Chapter 26

95.4K 2.6K 264
                                    

CHAPTER 26

Short update. Enjoy reading and goodnight.

"THANKFULLY, there's no damaged in his internal organs." I heard that from one of Clyde's friend, Dr. Rein Sandoval.

"Hindi ko alam kung bakit hinayaan ng lokong 'yan na barilin siya kung sinuman ang mga tanginang pumasok sa condo mo." Narinig kong nagsalita ang isa din sa mga kaibigan ng binata, si James. Nakatingin ito sa akin.

"M-Maayos na ba siya?" Nag-aalalang tanong ko.

Tumango si James at namulsa.

Nakahinga ako ng maluwag sa narinig at lumapit kay Clyde. Naupo ako sa gilid ng hinihigaan nito at hinawakan ko ang kamay nito.

"H-He was smiling earlier. Sinabi niyang matutulog lang siya kahit may tama siya ng baril. He was smiling pero ako sobrang nag-alala sa kalagayan niya. How did he managed to smile like that? Kung hindi agad kayo dumating kanina baka ikamatay pa niya." Naiiyak na sabi ko.

Tinapik ako ni James sa balikat.

"Don't worry, sanay na si Clyde sa ganyan." Makahulugang sabi nito.

Nagtataka man ay hindi na ako nagtanong pa. Mas lamang ang pag-aalala ko para kay Clyde. Kahit sinabing maayos na ito, hangga't hindi ito nagigising ay hindi ako matatahimik.

"Claude will stay in my house for now. Don't worry about him, hindi namin siya papabayaan ng asawa kong si Princess. At ang mga nanloob sa condo mo, kami na ang bahala sa kanila." Nilingon ko si James at tumango.

"Thank you. Thank you sa tulong niyo." Mahinang usal ko.

James just nodded and Rein smiled at me. Nagpaalam ang dalawang lumabas at naiwan ako sa loob ng private room ni Clyde.

Pinagmasdan ko ang binata. Mahimbing itong natutulog. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nito at hinaplos ko ang buhok nito. Takot na takot ako kanina nang makitang duguan ito.

Hindi ko man alam kung ano ang nangyari sa loob ng condo na tinutuluyan namin ni Claude pero nagpapasalamat ako na naroroon ang binata. Kung wala ito ay baka kung ano na ang nangyari sa anak ko.

"Thank you, Clyde. Kahit hindi ko alam ang nangyari, alam kong gumawa ka ng paraan para maprotektahan si Claude. Maraming salamat. At sorry dahil nadamay ka sa gulong ito. Ako lang at si Claude ang pakay nila pero nadadamay ka." Mahinang usal ko at dumukwang para halikan ito sa labi.

"Mahal na mahal kita." Sambit ko at hinalikan ito sa noo.

Napalingon ako sa pinto nang may kumatok doon. Nang bumukas iyon ay dahan-dahan kong nabitawan ang kamay ni Clyde at napatayo.

"M-Ma'am Elisse." Anas ko.

"Hi. Sorry kung naistorbo kita." Anito at ngumiti. "Pwede bang pumasok?" Tanong nito.

"Ahm, yes. Pasok ka." Kaagad na tugon ko.

Pumasok ito at isinara ang pinto. Lumapit ito sa akin at inabot ang iba't-ibang klase ng prutas na maayos na nakalagay sa maliit na basket.

"I heard what happened to Clyde from Princess so I rushed here." Anito.

Inabot ko ang prutas at pinatong iyon sa maliit na table. Hindi ko alam kung paano pakitunguhan si Elisse. Nakaramdam ako ang pagkailang sa presensya nito.

"T-Tungkol sa amin ni Clyde. Ahm..." Hindi ko matuloy ang sasabihin.

Elisse let out a soft chuckle.

"No worries. Hindi naman ako nandito para awayin ka, ano ba?" Natatawang sambit nito, tila nabasa ang nasa isip ko.

Nahihiyang napakamot ako sa ulo.

"I thought-"

"It was the one who cheated on Clyde." Anito at malungkot na ngumiti. "And he really don't deserved me. May mas deserving para sa kanya." Anito at makahulugang tumingin sa akin.

"I think Clyde cheated on you with me first. N-Noong kayo pa, he kissed me and that's cheating." Diretsong sabi ko.

Mahinang natawa si Elisse.

"Dahil kilala niya kung sino talaga ang tinitibok ng puso niya. And that's you. Kung ibang babae 'yon, he won't do that. Hindi niya hahalikan ang isang babae ng ganoon lang, Noime. I know Clyde, he's a type of man who is loyal and faithful to his girl. He's been loyal and faithful to me when we were a couple until you came to his life. Unang kita ko pa lang sa'yo, I know from the very start that Clyde has something on you. Hindi iyon maitatago ng mga mata niya. I was jealous that time. Alam mo ba kung bakit? Dahil kahit ni minsan, hindi ako tinignan ni Clyde katulad ng pagtitig niya sa'yo. Kakaiba ang kislap ng mga mata niya kapag nakatingin siya sa'yo and that's the real love, Noime." Mahabang sambit nito at nginitian ako.

"B-Bakit mo sinasabi sa'kin 'to?" Mahinang tanong ko.

"Dahil gusto kong ipaubaya si Clyde sa'yo. Mapunta man siya sa iba, gusto ko sa'yo lang. Sa'yo lang ako may tiwala. He deserved someone like you in his life. At sana..." Tinitigan ako nitong mabuti. "Sana huwag mo siyang iwan kahit anong mangyari, Noime." Anito at hinaplos ang buhok ko. "Stay with him no matter what happens in the future. You are his happiness. You're his real happiness."

Dahan-dahan ay tumango ako.

"Pangako. Hinding-hindi ko siya iiwan." Nakangiting tugon ko.

"That's good." She said and look at Clyde. "Take care of him, Noime. Totoong minahal ko siya pero hindi pa rin sapat ang pagmamahal na iyon para pareho kaming maging masaya. His heart and my heart belongs to someone else. And he already found his love. He found you." She smiled at me sweetly.

"And let me tell you a secret..." Anito at makahulugang tumingin sa akin.

"W-What is it?" I asked.

"Noong nangyari ang pagsabog sa harap ng club niya, it was him who brought you to the hospital. God, my pride was hurt that time. I was the girlfriend but he left me there for you. I saw how angry and scared he was while carrying you. Kulang na lang lumipad siya no'n para lang madala ka kaagad sa hospital." Naiiling na natatawang sambit nito.

Napatingin ako sa binata. Hindi ko inaasahan iyon. Ang buong akala ko ay si Samuel ang nagdala sa akin sa hospital dahil kitang-kita ko noon kung gaano ito nag-alala para kay Elisse noon.

"Thank you for telling this all to me." Nakangiting sabi ko kay Elisse.

Tinapik ng dalaga ang balikat ko.

"Basta ingatan mo si Clyde, okay? Suportado ko kayong dalawa. Wala akong ibang hangad kundi ang kasiyahan ni Clyde. Ang kasiyahan ninyong dalawa." Iyon ang huling sinabi nito bago ito magpaalam na umuwi na.

Hind daw ito pwedeng magtagal dahil buntis ito.

Nakangiting nilapitan ko ang binata at hinalikan ito sa labi.

I really loved this man. And I promise that I won't leave him.

To be continued...

Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon