Chapter 35

97.5K 2.5K 655
                                    

CHAPTER 35

NAPADAING ako at unti-unting nagmulat ng mga mata. Napakurap ako at bahagyang nasilaw sa liwanag.

I was in a room. Napakaliwanag at halos puti ang pintura. Kumilos ako pero hindi ako makagalaw dahil nakatali ang dalawang kamay ko sa harap at pati mga binti ko ay nakagapos din habang nakaupo ako sa upuan.

Tumingin ako sa harap at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Clyde na nakakadena ang mga kamay sa magkabilang armchair ng bakal na inuupuan nito. Wala itong malay at duguan.

"C-Clyde..." Tawag ko sa pangalan ng binata.

Kanina pa ba ako tulog? Anong nangyari? Bakit madaming pasa si Clyde? Did they tortured him?

"Clyde." Pilit akong nagpupumiglas pero napakahigpit ng pagkakagapos sa'kin.

Paunti-unti ay nakita kong nagmulat ng mga mata si Clyde. Tumingin ito sa akin at bahagyang napangiwi.

May dugo ang gilid ng labi nito.

"O-Okay ka lang ba?" Tanong nito.

Hindi ko mapigilang mapahikbi. Ito ang puno ng pasa sa katawan pero kapakanan ko pa rin ang iniisip nito.

"I-I'm okay." Basag ang boses na tugon ko.

"Makakalabas ka dito, Noime. Pangako." Punong-puno ng determinasyon ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.

"B-Bakit ako lang? D-Dapat kasama ka." Mahinang sabi ko, umiiyak.

He just smiled at me.

"Whatever you see, I want you to be strong, okay? Please? K-Kahit para na lang kay Claude, Noime. Para sa anak nating si Claude at para sa anak nating nasa sinapupunan mo." Hindi ko maintindihan ang sinasabi nito pero tila hinahanda ako nito sa kung anuman ang mangyari.

"Clyde..."

"Patawarin mo ako sa kasalanang ginawa ko sa'yo, Noime. Patawarin mo ako. Habang-buhay kong pagsisisihan iyon. Pero masaya ako, kahit hindi tama, masayang-masaya ako dahil si Claude ang naging bunga ng panggagahasa ko sa'yo." Iba-ibang emosyon ang nakikita ko sa mga mata nito.

Akmang magsasalita pa ako nang biglang bumukas ang pinto ng kuwartong kinaroroonan namin.

"Oh, my Ysabelle is finally awake." Kaagad na bungad ni Randy at matamis na ngumiti.

Inaasahan ko ng ito ang dumukot sa amin. Tuluyan itong pumasok kasama ang mga tauhan nito.

Lumapit ito sa akin at hinaplos ang pisngi ko. Narinig ko ang pagkalansing ng kadena sa kinaroroonan ni Clyde. Nang sulyapan ko ito ay pilit itong nagpupumiglas nang makitang hinaplos ako ni Randy.

Nakangising tinignan ito ni Randy.

"Relax, C. Pisngi pa lang hinahawakan ko." Natatawang sambit nito at tumingin sa akin.

"I was waiting for you to wake up. Nainip ako so I tortured him a little bit. I'm not done yet. Gusto kong masaksihan mo kung paanong magmakaawa ang lalaking 'yan sa harapan ko." Ngumisi ito at sinenyasan ang tauhan nito.

May nilabas ang tauhan nito at parang nanigas ang buong katawan ko nang makilala kung ano ang bagay na iyon.

It's an electric wire used for torture!

"A-Anong gagawin mo?" Nahihintakutang tanong ko.

Randy smiled at me and caressed my cheek again.

"He deserved to be tortured in front of you, sweetie. He's a rapist, after all. He raped you, remember?" He said and smirked at Clyde.

Naikuyom ko ang mga kamao at tumingin kay Clyde. Natatakot ako. Sobrang natatakot ako. Yes, he raped me but I don't want him to be tortured!

Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon