CHAPTER 41
"SA KLASE ng ngiti mo, mukhang kakagaling mo lang sa isang mainit na sex, Kuya. Masarap ba?" Pang-uuyam ng kapatid ko nang makalabas ako mula sa bahay.
I just grinned at him.
Napailing ito at sumimangot.
"Kanina pa ako nandito. Ang tagal-tagal mo. Nakailang rounds ka ba? Sabik na sabik?" Muling pang-uuyam nito.
Binatukan ko ito.
"Kuya mo pa rin ako kaya respetuhin mo ako, gago." Sambit ko at inayos ang suot kong sumbrero.
"Kung hindi mo lang mahal si Noime at kung hindi ka lang niya mahal, aagawin ko talaga siya sa'yo." Pabulong-bulong ito.
"Not a chance, brother. Noime is mine and only mine alone so just back off. Baka itakwil kitang kapatid ko kaya umayos ka. Hindi ako nagbibiro." Nginisihan ko ito.
"Pasalamat ka lang talaga mahal kita, Kuya." Puno ng sarkasmong sambit nito at napailing.
Hindi ko ito pinansin at sumeryoso.
"Nasaan na siya? At nang matapos na 'to. Kailangan kong makabalik kaagad sa asawa ko bago siya magising." Sambit ko at ikinuyom ang mga kamao.
Inangat ni Samuel ang hawak na susi ng kotse at pinindot. Bumukas ang back compartment ng kotse na nasa harapan ko at doon ay bumungad sa akin ang nakagapos na si Randy. May duct tape ang bibig nito at kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata nito nang makita ako. Nagpupumiglas ito pero hindi ito makagalaw ng maayos dahil nakagapos ang buong katawan nito.
Tinignan ko si Samuel na seryoso na ring nakatingin kay Randy.
"Time to pay your debt, man." Sabi ko at tinapik-tapik ang ulo ni Randy.
Malakas kong sinara ang back compartment at tumingin sa bahay.
"I'll be back, mahal ko." Bulong ko bago tuluyang pumasok sa loob ng kotse.
Si Samuel ang nagmaneho patungo sa lugar na pakay namin. Nang makarating sa abandonadong bahay ay kaagad kong hinila si Randy mula sa back compartment ng kotse.
Panay ang daing nito na tila gustong sumigaw. Nang makapasok sa lumang bahay ay dumiretso ako sa banyo at pinuno ng tubig ang lumang bathtub na naroroon.
"Kuya, relax lang." Tinapik ako sa balikat ni Samuel.
Nakikita siguro nito ang panay na pagtagis ng bagang ko.
Pilit kong pinapakalma ang sarili pero sa tuwing napapadako ang tingin ko kay Randy ay naaalala ko ang lahat ng kahayupang ginawa nito sa akin, sa kapatid ko at lalo na sa babaeng mahal ko.
Marahas kong tinanggal ang duct tape sa bibig nito.
"Putangina ka, Cly-" Hindi ko ito pinatapos sa pagsasalita at kaagad kong tinusok ng pocket knife ang isang mata nito. Kaagad ko iyong hinugot sa marahas na paraan.
Napuno ng sigaw nito ang kabuuan ng abandonadong bahay habang hawak-hawak nito ang kaliwang mata. Dumadaloy ang dugo niyon.
"Any last words, Randy?" Seryosong tanong ko.
Hingal na hingal itong nakatingin sa akin.
"P-Pakawalan mo ako. P-Pagbabayaran ko ang lahat ng kasalanang ginawa ko sa'yo. Pakawalan mo ako dito at-"
"That's why you're here. Dahil ako ang sisingil sa lahat ng utang mo, putangina ka." Nanggagalaiti ako sa galit.
"Kuya, relax lang." Si Samuel na pilit akong pinapakalma.
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#7: Clyde Hernandez "If only I could go back to the past and change everything. I want to have you so bad but it was all so fucked up." - Clyde Hernandez Date started: September 28, 2019 Date ended: October 25, 20...