Chapter 13

97.5K 2.7K 593
                                    

CHAPTER 13

"SIGURADO KA? Okay ka na talaga?" Taas ang kilay na tanong ni Juvy sa akin.

After two weeks ay sa wakas, makakabalik na ako sa trabaho. Sapat na sigurong pahinga iyon. At isa pa, namimiss ko ng magtrabaho.

Trabaho namimiss mo? O siya?

"I'm okay na. Anong balita doon sa nangyaring pagsabog?" Tanong ko.

Napabuntong-hininga si Juvy.

"Hindi na kami nagtatanong. Mahigpit na ipinagbabawal ni Boss Pogi ang mapag-usapan ng lahat ang bagay na iyon. Siya lang ang nakakaalam kung ano ang nangyari. Basta he assured us na hinding-hindi na ulit mangyayari 'yon." Anito at nagkibit balikat.

Ako naman ang napabuntong-hininga. Palaisipan pa din sa'kin kung ano ang nangyari. May naiisip akong iisang tao pero sana huwag naman. Bakit kailangan nitong idamay ang boss ko kung ako lang naman ang kailangan nito? Natatakot tuloy ako sa kaligtasan ng mga taong nasa paligid ko.

Napalingon ako nang makita si Samuel na naglalakad patungo sa kinaroroonan namin.

"Hi, Noime." Bati nito at ngumiti.

"Hello." Tipid ko itong nginitian.

"I'm glad you're okay na. Namiss kita." Anito.

Kaagad naman akong siniko ni Juvy.

"Haba ng hair." Bulong nito at humagikhik.

"Tumigil ka nga." Saway ko dito.

Mahina lang itong natawa at kapagkuwan ay iniwan kami ni Samuel.

"About the last time. Napag-isipan mo na ba?" Tanong nito at humakbang papalapit sa akin.

Maganda ang ngiti nito at kumukislap ang mga mata. Guwapo si Samuel, aaminin ko. Pero hindi ko alam kung bakit hindi tumitibok ng ganoon kalakas ang puso ko kapag ito ang kaharap ko. Unlike kapag si Clyde, kahit ilang dangkal lang ang layo nito sa akin ay pinapalakas na nito ng husto ang kabog ng puso ko.

"Let me court you, Noime. Pangako, hindi kita sasaktan. Aalagaan kita at gagawin ko lahat para lang magustuhan mo ako." Anito sa mahinang boses.

Napatitig ako sa mga mata nito. Puno ng sinseridad iyon. Ang mga mata nito ay nangangako.

"Puwede bang pag-isipan ko muna?" Tugon ko.

Malapad itong ngumiti.

"Hihintayin ko 'yan." Anito at hinaplos ang buhok ko. "Salamat." Anito habang titig na titig sa akin.

"Hindi ko maipapangako na-"

"It's okay, Noime. I can wait. Whatever your decision is, I will accept and respect it in a hearbeat." Anito, hindi inaalis ang ngiti sa mga labi.

Tumango ako at napaisip. Napapansin kong may accent si Samuel kapag nagsasalita ito ng english. At kung hindi ko lang alam na simple ang pamumuhay nito ay iisipin kong anak mayaman ito.

"Magtatrabaho na ako." Paalam ko at tumango ito.

"Don't work too much. See you when I see you." Anito at muling hinaplos ang buhok ko bago ako iniwan.

Napabuntong-hininga ako. Samuel is sweet. Ito ang klase ng lalaking maipagmamalaki mo everytime na kasama mo siya.

Humakbang ako at natigilan nang makita si Clyde na nakasandal sa pader. Nasa bulsa ang mga kamay nito at diretsong nakatingin sa akin.

Kanina pa ba 'to nandito? Ibig sabihin narinig nito lahat ng sinabi ni Samuel? Bigla akong nahiya. Baka isipin nito na hindi trabaho ang pinunta ko dito.

"G-Good evening, Sir Clyde." I murmured.

He just nodded at me and walked towards his office. Kaagad akong sumunod. Umupo ako sa sarili kong table na malapit lang sa table nito at inasikaso ang mga hindi ko natapos na trabaho.

Hindi ko mapigilang sulyapan ang binata. Tahimik lang ito at bahagyang nakakunot ang noo. Tila malalim ang iniisip nito. Nag-away ba sila ng girlfriend niya?

"Sir Clyde, gusto mo ba ng coffe-"

"I told you to call me Clyde." May iritasyon sa boses nito.

"Sorry." Hinging paumanhin ko. "Titimplahan kita ng kape." Sabi ko na lang at tumayo para ipagtimpla ito ng kape.

Nang matapos ay lumapit ako sa table nito at pinatong ang isang tasa ng kape malapit dito.

"Thanks." Anito, hindi tumitingin sa akin.

Parang ayaw nga ako nitong tignan. Lihim na lang akong napabuntong-hininga at bumalik sa mesa ko.

Binuklat ko ang notebook kung saan nakasulat ang schedule ng boss ko.

"May meeting kayo bukas with a new investor and-"

"Cancel it. May pupuntahan ako bukas." Tinignan ko ito.

He was talking without looking at me. Ano bang problema nito?

"Sasama ka sa'kin bukas." Anito at nag-angat ng tingin sa akin.

Nagtama ang mga mata namin pero kaagad din itong nag-iwas ng tingin at muling itinutok ang mga mata sa laptop nito.

Napasimangot ako. Para namang ang pangit-pangit ko kung makaiwas ito ng tingin.

Bigla akong tumayo at sa ginawa ko ay napangiwi ako. Sumakit ang braso kong may tama ng bala.

"Saan tayo pupunta bukas?" Tanong ko, hindi pinansin ang pagsakit ng braso ko.

"To visit a friend." Tugon nito habang ang mga mata ay nakatingin sa braso ko.

Tumayo ito at lumapit sa akin.

"Iniinom mo ba ang pain reliever mo?" Tanong nito.

Tumango ako at nabigla nang masuyo nitong hinawakan ang braso kong may sugat. Napatitig ako sa mukha nito nang dumilim iyon habang nakahawak ito sa braso ko.

"The one who shoot you was already tortured to death but it's still not enough. I want to kill him with my own hands. And I want to kill also that bastard who ordered to shoot you." He whispered.

Hindi ko iyon naintindihan dahil sa sobrang hina ng boses nito.

"Clyde-"

Nabigla ako nang hinaplos nito ang gilid ng labi ko. Titig na titig iyon doon. Napalunok ako at napakalakas ng tibok ng puso ko.

"Anong ginawa mo sa'kin, Ysay? Bakit ganito ang nararamdaman ko?" Mahinang tanong nito.

Ano bang ibig sabihin nito?

"Hindi kita maintindi-"

"I don't understand myself, too. Whenever you're talking to Samuel..." Mariin itong napapikit at tila wala sa sariling napahawak sa dibdib nito. "Masakit dito." Anito habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

Mas lalong kumabog ng napakalakas ang puso ko.

"I shouldn't feel like this, right? May girlfriend ako and I love her but why the fuck I am feeling this way towards you?" Anito na tila hirap na hirap.

Kaguluhan ang nakikita ko sa mga mata nito. And the way he look at me, it seems that he wants me to help him. Pero paano? Ni kahit ako ay hindi ko matulungan ang sarili ko.

"I feel like I'm committing a sin and cheating on my girlfriend." Dahan-dahan itong umatras at marahas na napabuntong-hininga.

"But I should choose her over you." Tila punyal ang bawat salitang lumabas mula sa bibig nito. Para ako niyong sinasaksak ng paulit-ulit hanggang sa mamanhid iyon.

Alam ko. Alam ko naman na hinding-hindi ako nito pipiliin. Pero napakasakit pa rin na marinig iyon sa mismong bibig nito.

Bakit ba ito pa? Bakit sa lalaking ito pa tumibok ang puso ko? Bakit sa lalaking hindi kayang piliin ako?

To be continued...

Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon