Chapter 1

142K 3.5K 520
                                    

CHAPTER 1

"ATE." Nagising ako sa mahinang pagyugyog sa katawan ko.

Nang magmulat ako ng mga mata ay nakita ko si Claude na nakatunghay sa akin.

"Gutom na po ako, ate." Nakahikbing sambit nito.

Pabalikwas akong napabangon at sinipat ang orasan. Alas dose na ng tanghali!

Kaagad kong sinapo ang mukha ng pitong taon kong kapatid.

"I'm sorry, baby. Napasarap ang tulog ni ate. Huwag na ikaw iyak, ha? Magluluto ako. Anong gusto mong ulam? Adobo? Pritong manok o pritong baboy?" Malambing na sabi ko at pinunasan ang isang butil ng luha sa pisngi nito.

Kaagad itong ngumiti.

"Pritong manok po." Malapad ang ngiting tugon nito.

Ginulo ko ang buhok nito.

"Sige. Ipagluluto ka ni ate ng masarap na masarap na pritong manok." Wika ko at hinalikan ito sa noo.

Kaagad akong bumaba mula sa maliit na kama at sabay kaming lumabas ng kuwarto. Medyo nakonsensya ako dahil tinanghali ako ng gising. Hindi tuloy nakapag-almusal si Claude.

Alas diyes na ako ng gabi pinauwi ng boss ko kagabi dahil marami itong pinapatapos na deadline. Madalas nito iyong pinapagawa sa akin. Late na ako lagi nakakauwi dahil sa overtime.

Tila sinasadya nitong huwag akong pauwiin ng maaga samantalang madami namang available sa mga kasamahan ko. Uuwi ako mula sa opisina ng pagod at kung hindi ko lang kailangan ng trabaho para mabuhay kami ng kapatid ko ay matagal na sana akong nag-resign dahil sa pang-aabuso ng boss ko sa oras ko.

Tila sumagad ang katawan ko at hindi na nakayanan ang pagod kaya heto't tinanghali ako ng gising. Mabuti na lang at araw ng day off ko kaya hindi ako mapapagalitan kung sakaling late akong pumasok.

"Hintayin mo muna ako diyan, ha? Bibilisan ko ang pagluluto para makakain ka na." Wika ko at ginulo ko ang buhok nito.

Masunurin itong tumango at umupo sa punit-punit na naming sofa. Binuksan nito ang maliit na T.V namin at kapagkuwan ay nanood ito ng cartoons.

Dumiretso ako sa maliit na kusina ng apartment namin at nag-umpisang magluto. Nang matapos ay kaagad kong pinakain ang kapatid ko.

Napapailing na napapangiti ako habang pinagmamasdan itong kumakain. Halatang gutom na gutom ito at halos nakatatlong balik ng kanin ito.

"Dahan-dahan lang baka mabulunan ka." Saway ko habang nagsasalin ng tubig sa baso.

Inabot ko iyon kay Claude at kaagad naman itong uminom. Matamis ang mga ngiti nito nang matapos kumain.

Napatitig ako sa mukha nito. Makinis iyon at napakatangos din ng ilong nito.

Tinitigan ko din ang mga mata nito. Napakaitim niyon na kung sinuman ang tumitig doon ay mapapaiwas ng tingin dahil sa mapanganib na kulay ng mga mata nito.

"Sorry kung ngayon ka lang pinakain ni ate, ha?" Hinaplos ko ang pisngi nito.

Ang bilis nitong lumaki. Parang kailan lang ay halos ayoko pa itong hawakan. Nang kalaunan ay nakakaramdam ako ng tuwa lalo na nang masilayan ko ang unang ngiti nito.

"Ayos lang po, ate ko." Malambing na tugon nito.

Mahina ko itong pinisil sa ilong.

"Tapusin mo na ang pagkain mo. Mamamasyal tayo mamaya tapos ibibili ka ni ate ng damit." Kaagad itong tumango at natawa ako nang binilisan nito ang pagsubo.

Nang matapos ito ay niligpit ko ang pinagkainan nito at akmang maghuhugas na ako ng plato nang marinig kong may kumatok sa labas ng pinto ng apartment.

Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon