CHAPTER 15
THE DAYS, WEEKS and months had passed. I became neutral to my boss. Inabala ko ang sarili sa pagtatrabaho kahit hirap na hirap na ako sa presensya ni Clyde.
Hindi ko alam kung paano kong nakayanan na makitang halos araw-araw ay magkasama si Clyde at Elisse. Wala akong karapatang masaktan pero hindi ko maiwasan.
And it's been two weeks na hindi na pumupunta ang binata sa club. Kapag may pinag-uutos ito ay magtetext lang ito. Halos dalawang linggo ko na din pala itong hindi nakikita.
At ngayon ay muli ko itong nasilayan, sa mismong kasal ng kaibigan nitong si Sharmaine at Rein.
The bride invited me on her wedding day and I am thankful. Masaya sa pakiramdam na hindi ako nakalimutan ng mga ito at inimbita ako sa pinakamahalagang araw ng mga ito.
Natapos ang seremonya ng kasal ng may ngiti sa mga labi ang lahat. Lalong-lalo na ang bagong kasal. Halata ang pagmamahal nila para sa isa't-isa. I heard about their love story and I salute them both for being strong.
The bride gathered all the single ladies for the throwing of her bridal flower. Wala akong balak sumali at nakangiti lang habang pinagmamasdan ang bride na hinahagis ang hawak nitong bulalak.
And to my surprised, nasalo ko ang bulaklak.
"Congratulations, Noime Ysabelle! You're the next bride!" Pasigaw na tukso ni Ethan sa akin.
Alanganin akong ngumiti. I was looking at the flower innocently. Nang makaramdam ako panlalamig ay wala sa sariling niyakap ko ang sarili.
Bahagya pa akong napitlag nang may coat na pumatong sa balikat ko. Nang lumingon ako ay nagulat ako nang makita si Clyde mula sa likod ko. Pinatong nito ang sariling coat sa akin.
"Nilalamig ka." Kibit-balikat na usal nito at kaagad akong tinalikuran.
Mahigpit akong napahawak sa coat nito habang pinagmamasdan itong pumasok sa loob ng kotse nito at pinaharurot iyon.
"Nagmamadali ang loko." Narinig kong sabi ni Ethan.
"He's going to propose to Elisse tonight kaya nagmamadali." Napalingon ako kay Krystal.
"H-He's going to what?" Mahinang tanong ko.
Tinignan ako nito.
"He's going to propose to Elisse. Hindi na siya makakapunta sa reception ni Sharmaine at Rein." Tugon nito.
Pakiramdam ko ay parang nabingi ako sa narinig. Magpo-propose na siya kay Elisse?
Napalunok ako at wala sa sariling napaatras. Pakiramdam ko ay bigla akong nanghina. Nanginginig ako pero pilit kong nilalabanan iyon.
This is the first time that I fall in love with someone and this the worst heartache that I've ever experienced.
Kulang ang salitang masakit sa nararamdaman ko ngayon.
***
NILALARO-LARO ko ang hawak na singsing sa daliri ko. I decided to propose on Elisse tonight and I was waiting for her in an expensive restaurant. I've been planning this for months.
Habang hinihintay ang kasintahan ko ay lumilipad ang utak ko sa nag-iisang taong naging dahilan ng pagmamadali kong maikasal.
Noime Ysabelle.
Aaminin kong natatakot ako. Natatakot ako sa sarili kong nararamdaman. Hindi ko matanggap na nakukuha nito ang atensyon ko dahil itinatak ko sa isip at puso ko na si Elisse lang ang tanging mamahalin ko at makakasama ko hanggang sa pagtanda.
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#7: Clyde Hernandez "If only I could go back to the past and change everything. I want to have you so bad but it was all so fucked up." - Clyde Hernandez Date started: September 28, 2019 Date ended: October 25, 20...