Chapter 4

113K 3.1K 1.3K
                                    

CHAPTER 4

"HON, ARE YOU OKAY?" Napalingon ako sa kasintahan ko.

Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin.

Kaagad ko itong nginitian.

"Oo naman, hon. I'm okay." Sagot ko.

"Kanina ka pa kasi parang wala sa sarili. Sigurado kang okay ka lang? Hindi masama ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong nito.

Umiling ako at ginagap ko ang kamay nito. I'm really lucky to have this beautiful woman in my life. Napakabait nito. At alam kong hindi nasayang ang ilang taon na paghabol ko sa babaeng ito. Worth it ang lahat dahil napansin ako nito at minahal ako nito. At wala na akong mahihiling pa.

"Magpakasal na kaya tayo, hon?" Biglang tanong ko.

Mahina itong natawa.

"One year pa lang tayo, kasal na agad?" Anito at hinaplos ang pisngi ko. "Masyado pang maaga para diyan. Darating din tayo diyan, hon. For now, enjoy muna natin ang pagiging magkasintahan natin." Anito at nginitian ako.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay nito.

"Hihintayin ko 'yan, Elisse. Wala akong ibang gustong pakasalan kundi ikaw lang. Gusto kong ikaw ang magiging ina ng mga anak ko." Sabi ko at sinubuan ko ito ng steak.

Kasalukuyan kaming nagdi-dinner sa isang mamahaling restaurant. Halos linggo-linggo ay hindi ako pumapalyang yayain ito for dinner date. Nakasanayan na naming gawin ito sa loob ng isang taon na magkasintahan kami.

Nang matapos sa dinner date namin ay nagyaya na itong umuwi kaya hinatid ko ito sa sarili nitong condo.

"Can I sleep here?" Tanong ko, nakangiti.

Nasa harapan kami ng pinto ng condo unit nito.

Napapailing na napangiti ito.

"Sinasabi ko na nga ba." Anito na tila inaasahan na banggitin ko iyon.

"Please?" Sinadya kong palambingin ang boses.

Mahina itong natawa at binuksan ang pinto ng condo nito at kapagkuwan ay nilingon ako.

"Come in." Anito na ikinangiti ko.

Kapag talaga hinahatid ko ito sa condo nito ay hindi puwedeng hindi ako dito matulog.

Nang pareho kaming makapasok sa loob ay kaagad ko itong siniil ng halik sa mga labi.

"I want to make love to you." I murmured.

She just smiled and help me undress my shirt.

"Ikaw talagang lalaki ka. Hindi puwedeng walang sex kapag magkasama tayo." Naiiling na sabi nito habang hinuhubad ang damit ko.

Matamis ko lang itong nginitian.

"Buntisin na kaya kita?" Pilyong tanong ko.

Napailing ito sa sinabi ko at hinaplos nito ang dibdib ko.

"Matagal ko ng gustong itanong kung saan mo nakuha 'tong peklat mo." Anito habang pinaglandas ang daliri sa mahabang peklat na nasa dibdib ko.

Kinuha ko ang kamay nito doon.

"T-That was when I was a child. Nadapa ako tapos tumama sa matulis na bagay kaya nagka-peklat ako." Mahinang tugon ko.

"Ang haba naman ng pekla-"

"Hon, let's not talk about it." Putol ko sa sasabihin nito.

Ayokong maalala ang dahilan ng peklat na iyon. Matagal ko na iyong kinalimutan. Matagal ko ng kinalimutan ang pagkakamaling iyon.

Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon