Chapter 37

96K 2.5K 554
                                    

CHAPTER 37

"ATE, bakit hanggang ngayon wala pa si Kuya C? Ang tagal naman po yata ng bakasyon niya? Kailan po siya uuwi?" Inosenteng tanong ni Claude.

Napatingin ako kay Elisse na nasa tabi ni Claude. Nag-usap ang mga mata namin. Naikagat ko ang ibabang labi at pinipigilan ang huwag maiyak sa harapan ng anak ko.

Iniwan kami ni Elisse. Lumabas ito para mabigyan ako ng pagkakataon na kausapin ang anak ko.

Umupo ako sa sofa, sa mismong tabi ni Claude.

"Listen to me, Claude." Mahinang sabi ko at napalunok.

Masunurin itong tumango.

"Opo. Makikinig po ako, ate. Ano po sasabihin mo?" Magalang na sabi nito.

Tumikhim ako at hinawakan ang maliit na mga kamay nito.

"May hihilingin sana ako sa'yo, puwede ba 'yon, Claude?" Mahinang tanong ko.

Muli ay tumango ito.

"Opo. Ano po 'yon, ate?" Diretso itong tumingin sa mga mata ko.

Hinaplos ko ang ulo nito at pilit na ngumiti.

"From now on, I want you to call me Mommy, Claude." Mahinang sabi ko.

Inaasahan kong magtataka ito. Pero sa pagkabigla ko ay tila excited itong tumango at malapad na ngumiti.

"Talaga po? Payag ka ng tawagin kitang Mommy?" Excited na tanong nito.

Parang ako ang nabigla sa tanong nito at ito naman ay natigilan nang mapagtanto ang lumabas mula sa bibig nito.

"Claude-"

"Sorry po. Narinig ko po kasi kayo ni Ate Juvy noon. Binanggit mong ikaw ang totoong Mommy ko. Pero dahil gusto mong ate ang itawag ko sa'yo, sinunod ko na lang po. Sorry. Hindi ko sinasadyang marinig kayo ni Ate Juvy. Sorry po." Kumibot-kibot ang labi nito na tila pinipigilan ang takot sa akin at ang pag-iyak sa harapan ko.

Parang tinutusok ang puso ko dahil sa narinig ko mula sa anak ko. All this time, may alam na pala ito. Hindi lang ito kumikibo.

"Oh, Claude." Kinabig ko ito at niyakap ng mahigpit. Umiyak ako ng umiyak.

"Anak ko..." Anas ko at mas hinigpitan ang pagkakayakap dito. "Patawarin mo si Mommy, ha? Patawarin mo ako, anak. Patawad, Claude. Sorry talaga." Humagulhol ako ng iyak habang yakap-yakap ko ito.

Naririnig ko din ang paghikbi nito.

"Okay lang po, Mommy. Alam ko naman pong may rason ka kung bakit gusto mong ate ang itawag ko sa'yo. Naiintindihan po kita. Basta kung ano lang po ang sasabihin mo, 'yon po ang susundin ko." Anito at kumalas mula sa pagkakayakap ko.

Inabot nito ang luhaang mukha ko at pinunasan nito ang mga luha ko gamit ang maliliit na mga daliri nito.

My Claude. He looks like a matured man. Sa edad nitong pitong taon, hindi ko malubos maisip kung paano nitong naiintindihan ang mga ganitong bagay.

"Huwag na po ikaw iyak, Mommy. Magagalit si Kuya C kapag nakita niyang umiiyak ka. Baka ako po awayin niya. Baka isipin niya pasaway ako at pinapaiyak kita." Mas lalong lumakas ang iyak ko dahil sa sinabi nito.

Niyakap lang ako nito at tila malaking tao na hinagod-hagod ng maliliit na kamay nito ang likod ko.

"Tama na po, Mommy. Huwag na po ikaw iyak. I love you po." Malambing na sabi nito.

Clyde. Anong gagawin ko? Hindi ba puwedeng bumalik ka na lang? Please, bumalik ka sa'min ng anak mo. Bumalik ka, please.

Niyakap ko lang ang anak ko hanggang sa tumahan na ako. Wala akong choice kundi ang maging matatag sa ganitong sitwasyon. Hindi ko kayang tanggapin na wala na si Clyde pero kailangan ko munang maging matatag para kay Claude at para sa batang nasa sinapupunan ko.

Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon