Chapter 7

101K 2.9K 611
                                    

CHAPTER 7

HALOS TATLONG ARAW kong iniiwasan ang boss ko matapos ang mga nangyari sa motel.

Kapag nakakasalubong ko ito ay kaagad akong gumagawa ng paraan para mas lalong maging abala sa mga ginagawa.

Mahirap itong iwasan lalo pa't boss ko ito pero hangga't maaari ay iniiwasan ko talaga ito.

Mabuti na lang at abala kaming lahat ngayong gabi. Masquerade ang theme sa C'Club kaya lahat kaming mga waitress ay abala sa pagdagsa ng mga customers.

Kaming mga waitress ay may suot na maskara, natatakpan ang kalahating mukha namin. Once a month lang ang ganitong theme sa club.

"Ny, okay ka lang ba?" Napalingon ako kay Juvy habang nasa harap kami ng bar counter.

Kinuotan ko ito ng noo.

"Oo naman. Bakit?" Tanong ko.

"Napapansin ko kasing matamlay ka these past few days. May problema ba? Okay lang ba si Claude? Sabihin mo sa'kin kapag may problema ka, okay? I'm just here. Handa akong makinig, tulungan at damayan ka." Anito.

Napangiti ako sa sinabi nito. Juvy is really a good friend. Kaya naging bestfriend ko ito kasi bukod sa mabait ito ay nagkakasundo kami sa mga bagay-bagay. Naiintindihan namin ang isa't-isa at nagpapasalamat ako dahil palagi itong nasa likod ko para suportahan ako. Kailanman ay hindi ako nito tinalikuran.

"Salamat sa concern pero okay lang ako, Juv. Si Claude, okay lang din." Sabi ko.

Tumingin ito sa akin na tila hindi naniniwala sa sinabi kong maayos lang ako.

"Sure ka? Okay ka lang talaga?" Nakita ko ang pagtaas ng kilay nito sa kabila ng maskarang suot nito.

Napabuntong-hininga ako na napatingin sa kawalan.

"Naranasan mo na ba 'yong ang lakas-lakas ng tibok ng puso mo kapag nasa malapit lang ang lalaki? 'Yong hindi normal ang pagtibok ng puso mo tapos halos sasabog na? And then, that man suddenly kissed you pero ibang pangalan ang nasabi niya. Pangalan ng babaeng mahal na mahal niya. Parang tinutusok ang puso mo at walang kasing-hapdi. Ang sakit niyon. Naranasan mo na ba 'yon, Juv?" Wala sa sariling tanong ko.

"Sign ng inlove 'yan, Noime." Muli akong napatingin kay Juvy.

"Sign ng inlove?" Kunot-noong tanong ko.

Tumango ito.

"Malakas ang tibok ng puso mo at halos sasabog na kapag nasa malapit lang siya. Tapos nasasaktan ka kasi may iba na siyang mahal. Inlove ka, bestfriend. Kilala ko ba?" May nakakalokong ngiti sa mga labi nito.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin.

Inlove?

Mapakla akong napangiti. Bakit kailangang tumibok ang puso ko para sa lalaking hindi kailanman magiging akin?

Mahina akong napabuntong-hininga. Hindi tama 'tong nararamdaman ko.

"Be careful, bestfriend. Rendahan ang puso lalo na kapag si Boss Pogi ang involved." Anito at napailing na tinalikuran ako para asikasuhin ang mga customers.

Naikagat ko ang ibabang labi. Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi na tumibok 'tong puso ko para sa lalaking iyon. Masasaktan lang ako.

Wala sa sariling napatingin ako sa VIP room ng club at doon ay nakita ko si Clyde, kasama ang mga nagguguwapuhang mga kaibigan nito. They are celebrating for something, I guess.

Kanina-kanina lang ay ako ang naghatid ng mga inumin ng mga ito.

Minsan ko na ding nakikita ang mga kaibigan nito dito sa club at halos wala akong maipintas. Malalakas ang mga appeal at malakas makahatak ang aura nilang lahat.

Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon