CHAPTER 1

5.1K 98 0
                                    

DEX'S POV

Mabilis na lumipas ang mga araw at eto kami ngayon ni Miles papunta ngayon sa Job interview namin, Nakakaboring din kasing tumambay sa bahay kahit may business kami need ko padin maghanap ng trabaho eto kasing si Nathan gusto nang magbukod kami.

"Miles bilisan mo baka malate na tayo"

"Wait lang baks magreretouch lang ako."

Kinuha ni Miles yung lipstick at foundation sa bag nya at nagpaganda na tapos ang ginamit pa nyang salamin ay yung salamin nang kotseng nakaparada sa harapan namin.

"Ano baks maganda naba ako?"

"Oo maganda kana, Tara na baka malate na tayo."

"Ito naman saglit nalang, Malay mo nandyan sa Building nayan yung magiging love of my life ko." -Miles

Kilig na kilig pa ang loka, Haha oo nga simula nang naging kaibigan Ko si Miles wala pa syang nagiging Boyfriend puro Crushes lang haha. Nirereto ko na nga sya ni Nathan sa mga kabarkada nya kaso itong si Miles pabebe.

Hinawakan kona yung kamay ni Miles para makapasok na kami pero biglang bumukas yung pinto nang sasakyan at tumama sa likod ni Miles at Natumba sya.

Nagulat din ako sa nangyari kaya hindi kona natulunga si Miles at ay lumabas na isang babae.

"Ooppss sorry nakaharang ka kasi."

Tumayo agad si Miles at humarap sa kanya.

"Grabe ka naman makabukas dimo ba nakita na may tao?" -Miles

"Nakita"

"Yun naman pala eh, Bakit binuksan mo pa din? Alam mo namang may tao." -Miles

"Kasi naiirita ako sa mga kagaya mo na feeling maganda, Next time kung magsasalamin ka dapat sa wash room oh di kaya bring your own mirror."
"Bakit masama naba magsalamin?" -Miles

"Yes, Lalong lalo na sa Car ko."

"Ah miss sorry, Sige next time magdadala nalang kami ng salamin." sumabat na ako sa usapan nila dahil baka kung saan pa mapunta, Alam nyo namang itong si Miles may pagka AMAZONA din yan baka mapaaway pa ng wala sa oras.

"Good, Atsaka ilayo mo nayang Kaibigan mo baka kagatin pa ako." 

Hinila kona palayo si Miles dahil nakita kong umuusok na ang tenga nya sa sobrang galit.

~
"Nako Dex kung hindi mo ako hinila baka nakalbo kona yung Babaeng yon, Akala mo kung sinong maganda eh mukha namang retokada." Gigil na gigil na sabi ni Miles.

"Hayaan mona yon."

"Wag lang talaga mag krus ang landas namin baka kung ano pa ang magawa ko." -Miles

Napangiti nalang ako kay Miles dahil sobrang G na G talaga sya haha.

"Miles hayaan mona yon ang kailangan natin gawin ngayon ay mag focus tayo sa job interview natin para makapag trabaho na tayo."

"Ewan koba naman kasi sayo may business naman kayo bakit kailangan mopa maghanap ng trabaho?" -Miles

"Syempre kailangan kodin kumita ng sarili kong pera, Pano kapag nagka Pamilya na ako? Ayoko naman na umasa pa ako sa mga magulang ko." 

"Bilib talaga ako sa Be, Matured kana sa edad mong yan." -Miles

Habang bata ako kailangan kona umpisahan ang mga bagay na makakatulong sa future ko, Mahalaga ang bawat oras kaya dapat hindi ko ito sinasayang.

Pumasok na kami ni Miles sa Building kung saan kami iinterviewhen, Para akong maiihi sa sobrang kaba, Nanlalamig nadin ako parang gusto ko na ayaw kong ituloy.

KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon