CHAPTER 17

1.7K 59 7
                                    


DEX'S POV

"Be ang ganda talaga ng kwarto mo, Lalo na yung buong bahay nyo sobrang yaman talaga ng pamilya mo."

"Alam mo Miles hindi ko naman kailangan ng  yaman dahil ang mas kailangan ko ang masaya at kompletong Pamilya."

Balewala ang lahat ng karangyaang nararanasan ko kung hindi ko kasama yung Pamilyang kinalakihan ko.

Sabihin na natin na unti unti kona ding minamahal ang Pamilya Montes pero sa kabilang Banda hindi ko padin maiwasan ang maalala sila Mama at Papa.

"Oh Be bakit parang natulala ka? Naalala mona naman ba sila tita at tito?"

"Oo, Gustong gusto ko sila Puntahan para kamustahin at mayakap pero hindi ko magawa kasi ayokong may masasaktan."

"Pwede mo naman sila dalawin diba? Kahit patago lang para kahit hindi mo sila nahahawakan, nalalapitan at nayayakap atlis nakikita mo sila." -Miles

"Miles pwedeba akong humingi ng pabor sayo?"

"Ano yon?  Kahit ano basta para sayo." -Miles

"Pwede bang lagi mong bisitahin sila mama at Papa? Pati si Kyline?"

"Yun lang ba? Oo naman basta ikaw." - Miles

"Salamat"

"Pero maiba tayo, Nabanggit sakin yung kuya mo na hindi kadaw dito natulog kagabi? Doon daw kala Andrew? Sino yon?" -Miles

"Si Andrew ex yon ni Andrea, Hindi ko kasi sya maiwan kagabi dahil lasing na lasing at walang magbabantay sa kanya. Wag mo nalang sana sabihin to kay Nathan baka magalit payon sakin."

"Ako paba Dex? Wag kang mag-alala hindi to makakarating kay Nathan." -Miles

Kayo na ang magsabi kung dapat ba akong maniwala sa kanya? haha kilala ko kasi itong kaibigan ko nato, Madaldal to hehe.

"Talaga ba?"

"Oo promise" -Miles

Nagkwentuhan pa kami ni Miles ng mga maraming bagay, About sa family ko at pati sa pagkagusto nya kay Kuya.
Itomg si Miles talagang na love at first sight sa kuya ko, Gusto pa nga nya dito matulog kaya lang baka masabunutan daw sya ng nanay nya.

Gabi na umalis si Miles samin dahil hindi namin namawalayan yung oras actually kulang pa nga yung time namin.

"Be una na ako."

"Sigurado kaba na hindi ka magpapahatid?"

"Sino ba maghahatid sakin si Samuel?  Kung sya go ako." -Miles

"Loka ka talaga, Nandon yon sa kwarto nya nakakahiya."

"Haha biro lang. Sige una na ako wag mona akong isipin kaya kona sarili ko."

"Wait lang, Antayin mo ako." Pagpigil ko sa kanya.

Tumakbo ako papunta sa isa sa mga Driver namin, Para makisuyo kung pwede ipahatid si Miles. Hindi naman ako nabigo dahil pumayag sya.

"Nakakahiya naman Be."

"Okay lang yan, alam mo namang Love na love kita kaya ipapahatid kita haggang sa inyo."

"Salamat talaga."

Yumakap muna sakin si Miles bago sumakay sa Van at tiningnan hanggang sa makaalis sya.

" At sino nagsabi sayo na pwede mong ipagamit ang mga sasakyan dito na walang paalam?"

Napaharap agad ako ng marinig ang boses ni Andrea.

"Gabi na kasi delekado Kung maglalakad pa sya."

"Marunong nga sya pumunta dito kaya dapat marunong din syang umuwe." -Andrea

KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon