CHAPTER 22

1.6K 54 5
                                    


DEX'S POV

"Ma mahirap ba ang buhay mag-asawa?"

"Bakit mo naman natanong yan? Mag-aasawa kana ba?" -mama

"Nagbabalak na kasi kami ni Nathan, Pero natatakot ako baka hindi kopa kaya. Baka hindi pa namin kaya."

"Alam mo Dex, Mahirap talaga ang buhay mag-asawa kasi marami kang iisipin. Gastusin sa bahay, Mga gamit sa bahay at higit sa lahat yung kakainin nyo araw-araw. Pero kung ready kayo at may ipon kayo bakit hindi? Sa panahon kasi ngayon hindi sapat na mahal nyo lang ang isat-isa, Dahil hindi ka mabubusog sa pagmamahal." -Mama

"Pero kung mag-aasawa kami ni Nathan, Ayos lang ba sa inyo?"

Napabuntong hininga si Mama at humarap sakin.

"Malaki kana Dex, Kilala kita alam kong kaya mo. Ganon din si Nathan alam kong responsable syang lalaki at syempre nandito lang kami na Pamilya nyo para gabayan kayo." -Mama

"Salamat Ma."

"Kelan nyo naman balak?"

"Inaayos lang po yung pinapagawang bahay ni Nathan at doon na kami lilipat."

"Hay, Malalayo kana talaga samin." -Mama

"Wag kayong mag-alala Ma, lagi ko kayong bibisitahin."

Habang nag-uusap kami ni Mama ay biglang tumawag sakin si Nathan.

'Hello My Loves? Ba't ka napatawag?'

'Hi po, Ka trabaho po pala to ni Nathan medyo nakarami po kasi kami ng inom pauwe nadin po kasi ako kaya lang hindi ko maiwan si Nathan, Pwede nyo po ba syang puntahan?'

'Ano?! Sige sabihin mo sakin kung saan yan at pupunta ako.'

Agad akong nagbihis at pinuntahan yung lugar na sinabi nang katrabaho ni Nathan.

Ano kayang naisip ni My Loves at nagpakalasing sya? Kokotongan ko talaga yon.

Bar??? Agad kong tanong sa sarili ko nang makita yung lugar na sinasabi ng katrabaho ni Nathan.

Sigurado bayon? At anong gagawin ni Nathan dito?

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam nang kaba, Parang biglang bumigat ang dibdib ko. Dahan dahan akong pumasok at hinanap kung nasaan si Nathan, Nag text nadin ako na nandito nako.

"Kayo poba yung kausap ko kanina?"

Tanong sakin ng hindi ko kilalang lalaki, Pero malamang sya yung kausap ko kanina.

"Opo ako yon, Asan poba sya?"

"Andon po sa bandang likod, Puntaha nyo nalang po. Ito din pala yung phone nya pakibigay nalang sa kanya at pasabi nauna na ako."

"Sige salamat."

"Una napo ako."

Lumabas na yung katrabaho ni Nathan at ako naman ay pinuntahan na sya.

Habang papalapit ako ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.
Totoo batong nakikita ko?

O dinadaya lang ako nang paningin ko?

Gusto kong sumabog sa nakikita ko ngayon, Pero parang biglang naubos ang lakas ko.

Parang unti unting dinudurog ang puso ko. Ang sakit, Ngayon nalang ulit ako nakaramdam nang ganitong sakit.
Lumapit ako kala Nathan at tumayo lang sa harap nila habang pinapanood sila.

Nakaupo si Nathan habang nakapatong sa kanya yung isang Babae. Nakayakap sa kanya yung Babae at nilalamutak sya nang halik. Nakakadiri sila! Dito pa talaga sa ganitong lugar?

KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon