DEX'S POV"Ma!!!!!!!!!!!"
Naghihikahos naman na dumating si Mama sa kwarto ko.
"Oh bakit anong problema???"
"Ma!? Ba't dimo ako ginising????"
Pagtingin ko kasi sa cellphone ko pasado alas dies na e ang call time namin is 10 am, Maliligo pako syempre, Kakain, Magbibihis at mag-aayos ng sarili.
"Sabi kasi ni Nathan wag na daw kitang gisingin at mukhang napagod ka daw sa trabaho mo, Bakit ano bang klase ang trabahong pinasok mo? Kargador?"
"Si Mama naman eh, late na nga yung tao aasarin pa."
"Eh pano kasi kung yung ineemote mo dyan ay kumilos kana edi sana patapos kana."
Bumangon agad ako at kinuha yung damit na susuotin ko. Bahala na kung hindi bagay sakin basta ang importante may dami ako na suot.
////
Kung may mas mabilis pa sa alas kwatro ay ako na ata yon kasi saglitan lang ako naligo, Nagtoothbrush at nagbihis hindi nadin ako kumain at nagsuklay, pagkatapos kung kunin yung mga gamit at bag ko ay nagmamadali na akong lumabas sa bahay.
"Anak hindi kaba kakain???!!!"
Pahabol na sigaw ni Mama.
"Hindi napo Ma! Doon nalang po ako kakain!"
"Okay sige, Ingat ka!"
Ganito lang talaga kami mag-usap ni Mama pero mahal na mahal namin ang isat-isa at syempre mataas ang pagrespeto ko sa kanya.
Dali dali akong pumuntang sakayan pero kung mamalasin ka nga naman punuan pa, Ilang Jeep nadin yung dumadaan pero halos lahat puno.
Siguro nagtataka kayo kung bakit ako nagjejeep ngayon, Eh mayaman naman ang pamilya ko.Sa ngayon kasi kala Mama padin ako tumutuloy at meron din naman kaming sasakyan kaya nga lang hindi naman ako marunong magdrive, Ayaw ko din naman magpahatid kay Papa kasi madami din syang ginagawa.
Dahil wala akong masakyan ay naglakad nalang muna ako baka sakaling may mapadaan na sasakyan na hindi masyado puno haha.
Tiningnan ko yung phone ko para sana tingnan kung anong oras na, Pagkakita ko ay nakailang texts at missed calls na si Ate. Hindi ko kasi agad nasagot dahil naka silent yung phone ko.Habang naglalakad ako ay isang malakas na busina ang yumanig sa buong katawan ko, Napahawak agad ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba hindi ko napansin na may sasakyan na palang babangga sa gilid ko.
Napahinto yung sasakyan at may lumabas na isang matangkad na lalaki, Gwapo din sya pero mas gwapo si Nathan.
"Hoyyy magpapakamatay kaba? Kasi kung Oo wag dito para hindi ka nakakapurwisyo doon sa bangin tumalon ka."
Parang nagpantig yung tenga ko dahil sa sinabi nyang yon. Mukha syang mayaman pero ang bastos ng ugali nya.
"Hindi ako magpapakamatay, Hindi kolang talaga napansin namay pararating na sasakyan."
"Magpapalusot kapa, Siguro myembro ka ng isang sindikato? At modus nyo yung ganito para pagkaperahin kami."
Masyado namang advance yung utak nitong lalaki nato,Sindikato agad? Itsura kong ito sindikato?
"Excuse me? Hindi ako sindikato okay? Sorry kung naabala kita hindi ko naman kasi napansin na may parating nasasakyan."
Sana naman ma gets na nya agad kasi late na ako at wala na akong panahon makipagtalo sa kanya. Pagkatapos kong sabihin yon ay tinalikuran kona sya kaya lang palakad palang ako ay hinawakan na nya ako sa braso.
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)
FanfictionHalos perpekto na ang lahat pero anong gagawin mo kapag nalaman mong ang buong pagkatao mo ay isang malaking kasinungalingan. Anong gagawin mo kapag may nagpakilala sayo na sila ang Pamilya mo? Pano pag nalaman mong may iba ka palang pamilya? Sino...