CHAPTER 2

2.6K 81 4
                                    

DEX'S POV

Panibagong araw na naman ang lumipas at eto ako wala pading nahahanap na trabaho kaya habang wala pa ay tutulong muna ako kay Mama na maglinis ng bahay.

"Ma may kilala ba kayong apelyido Montes?"

Tanong ko kay Mama habang naglilinis kami.

Napatigil naman sya bigla ginagawa nya at napatingin sakin.

"Wala, Bakit mo naman natanong?"

"Sigurado ka Ma?"

"Wala nga, San moba kasi nalaman yan?" -Mama

Ewan koba, Parang pakiramdam ko may hindi sinasabi sakin si Mama. 

"Meron kasing lumapit sakin na lalaki tapos sinabi nya hinahanap daw ako ng mga Montes."

Natigil ulit si Mama ng ilang segundo at pagkatapos ay bumalik na sa ginagawa nya.

"Sinong lalaki yan? At naniwala ka naman? Alam mo kasi Dex marami ng masasamang tao ngayon at handa kang lokohin para makakuha lang ng pera." -Mama

Napaisip ako bigla sa sinabi ni Mama, Siguro nga tama sya baka nagsisinungaling lang yong lalaki nayon para makakuha ng pera.

"Sorry Ma, Akala ko kasi may kilala kayo."

"Sige na tapusin na natin to at marami pa tayong gagawin." -Mama

Parang may Mali sa mga sinasabi sakin ni Mama. Parang may hindi sya sinasabi at ayaw nya talagang sabihin sakin.

Ano ba talagang kaugnayan ko sa mga Montes?

Buong maghapon lang ako nagmukmok sa kwarto ko dahil iniisip ko parin kung sino ba talaga ang mga Montes at bakit nila ako hinahanap?

At anong malalaman ko sa pagkatao ko kapag nakausap kona ang mga Montes?

Mayamaya ay naisip kong tawagan si Miles para magpasama papunta kay Nathan. Nasa work kasi si Nathan at gusto ko syang puntahan, Miss kona agad ang My Loves ko eh haha.

'Oh bakit ka napatawag?'

'Miles samahan mo ako'

'Saan naman?' -Miles

'Kay Nathan'

'Kay Nathan? Bakit anong nangyari sa kanya?' -Miles

'Walang nangyari sa kanya, Gusto kolang syang puntahan para kamustahin.'

'Ay ang taray mo talaga, Kakastart palang nya sa work miss mona agad? Ano natatakot kang mapalitan?' -Miles

'Sige na Miles pleasssseeee' 

Ewan koba gusto kolang makita si Nathan haha.

'Ikaw nalang may gagawin pa ako.' -Miles

'Ililibre kita ng Milk Tea' pagsuhol ko sa kanya.

'Talaga???? Ngayon naba? Sige bihis na ako tapos punta na tayo kay Nathan."

Haha alam na alam ko talaga yung mga kahinaan ni Miles kaya alam kong mapapapayag ko sya.

Nagkita kami ni Miles sa isang Park malapit lang din samin. Dahil sabi nya ay may hihintayin din daw sya doon tinanong ko naman kung sino pero hindi nya sinabi.

Paglapit na paglapit palang ni Miles ay binatukan ko sya ng Mahina.

"Aray ko naman Dex bakit mo ako binatukan?"

KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon