CHAPTER 6

1.9K 71 1
                                    

DEX'S POV

"Baks malapit na Birthday mo ano palang ganap?"

"Wala, Kahit ano lang sapat na sakin ang importante makapagpasalamat ako dahil umabot pa ako sa edad nato."

"Ang KJ mo talaga, Haler? Once in a year lang nangyayari ang Birthday mo hindi mopa icecelebrate?" -Miles

"Sila Mama meron daw silang pakulo pero kagaya nga ng sinabi ko kahit simple lang."

"Basta ako may naisip na akong regalo sayo." -Miles

"Ano naman?" agad kong tanong sa kanya.

"Secret lang muna, Pero for sure magugustuhan mo yan." -Miles

"Siguraduhin molang na maayos lang regalo mo baka kung ano na naman yan."

"Relax kaibigan mo ako wala akong gagawin na hindi maganda sa Birthday mo." -Miles

Ewan koba kung maniniwala ako sa mga sinasabi ni Miles kasi gasgas na yung linyang yan.

Tuwing Birthday ko naglalabasan yung mga Throwback Pictures buti sana kung maayos eh kaso ang karamihan ang dugyot ko tingnan, Tapos meron pa Babatuhin ako nang itlog, Tawang tawa pa sila pero ang hindi nila nakakasakit na sila haha, Sila kaya batuhin ng itlog. 

"Dex pupunta ba si Mark at Dan sa Birthday mo?" -Miles

"Si Mark susubukan nya daw pero hindi sya sigurado si Dan naman malabo yon makapunta kasi nga may kontrata sya don diba?"

"Sana makapunta sila sobrang Miss na Miss kona kaya yung dalawa nayon." -Miles

Ako din Miss kona sila, Kamusta na kaya sila?

Sana bumalik na yung dating pagmamahalan ni Sheena at Mark sa isa't isa at si Dan naman sana masaya na sya ngayon sa pinili nyang landas at sana mahanap nya na din yung taong karapat dapat sa kanya.


Ngayong Araw na ang kaarawan ko isang taon na naman ang nadagdag sa edad ko Jusme tumatanda na ako haha.

Pagkagising ko palang ay naka recieve ako nang mahabang Birthday Greet kay My Loves.

Pati sa Facebook ko andami ding bumati kahit yung mga FB Friends kolang at hindi ko naman kakilala ay binati din ako. Pero syempre nakakalungkot lang dahil nakatanggaap ako ng message mula kay Dan na hindi sya makakapunta.
Paglibot ko sa buong bahay namin ay hindi ko nakita sila Mama, Papa at kahit si Kyline. Siguro may pakulo na naman ang mga yon sabi ko nalang sa isip ko.

Mag-isa lang ako na nag almusal dahil ako lang ang tao sa bahay wala akong ideya kung nasan ngayon sila Mama.
Habang kumakain ako ay nakatanggap ako ng tawag mula kay My Loves.

'Hello My Loves napatawag ka?'

'Kayo po ba si Dex?'

'Opo ako nga, Sino to? Ba't mo hawak ang Phone ni Nathan?' nagulat ako kasi ibang boses ang nasa kabilang linya.

'Hindi napo importante kung sino ako, Puntahan nyo po dito si Nathan sa may Marcos Hi-Way' Natatarantang sabi nya.

'Naaksidente po sya'

'Ano!!!!!"

Hindi kona pinatapos yung convo naman at dali dali na akong umalis para puntahan si My loves yung kaba sa dibdib ko sobra parang sasabog na.
Lord sana okay lang si Nathan..

Pagdating ko sa mismong hi way andami kong nakitang mga tao na nakapalibot kaya pumunta agad ako don at nakita ko si Nathan na nakahandusay at ang daming dugo.

"Nathan!!!!!!"

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya, Wala syang malay pero sinusubukan ko syang gisingin.

KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon