CHAPTER 26

1.7K 61 3
                                    


ANDREA'S POV

Kasalukuyan kaming nag-aantay sa paggising ni Mommy, Kasalanan to ni Dex kung hindi na sana sya pumunta sa Party ni Mommy edi sana hindi nangyari to.

"Asan ako?  Anong nangyari?"
Tanong ni Mommy nang magising sya.

"Nawalan ka nang malay after nang gulo." -Daddy

"Mommy may masakit paba sayo?"

"Ayos lang ako, Si Dex asan sya?? Ba't di nyo sya kasama." - Mommy

"Ma ako yung nandito, Ako yung kaharap mo pero ano? Si Dex padin ang hinahanap mo?! Talagang pinaparamdam mo samin na mas mahal mo sya!"

"Andrea pwede ba? Wag mong pagsalitaan si Mommy nang ganyan." -Kuya

"Bakit kuya? Totoo naman diba? Ikaw ni minsan ba hindi mo naramdaman na laging may kulang, Na hindi buo ang atensyon na binibigay satin ni Mommy??"

"Anak hindi totoo yan, Mg anak ko kayo kaya pantay pantay lang pagmamahal ko sa inyo."

"Pero bakit hindi ko yon maramdaman? Bakit kahit anong sabi mo na Mahal mo kami ay hindi ko maramdaman?"

"Stop  it Andrea, Mommy mo padin ang pinagsasalitaan mo." -Daddy

"Tutal nandito nadin naman tayong lahat bakit hindi pa tayo maglabas nang sama ng loob. Ikaw Daddy, Naging mabuti kaba talagang Ama samin? Eh mas mahal mo pa nga yang business mo kesa samin na Pamilya mo. Ikaw kuya? Kung ayos lang sayo na hindi pansinin nila Mommy pwes ako hindi."

"Andrea Anak, Makinig ka. Mahal kita."

"Pero mas mahal mo si Dex? Alam nyo minsan sumagi na sa isip ko na KUNG AKO NALANG SANA yung nawala baka na sakin lahat ng atensyon nyo, na KUNG AKO NALANG SANA si Dex baka nakaramdam din ako ng pagmamahal na matagal konang gustong maramdaman mula sa inyo."

Niyakap ako nang mahigpit ni Mommy, Napaiyak nalang ako dahil sa unang pagkakataon parang naramdaman ko na mahalaga ako, Na mahal nya ako.



DEX'S POV

"Wow Tyrone ang ganda nang bahay nyo. Sinong nakatira dito?" -Miles

"Nandito yung Lola't Lolo ko sila ang nakatira dito, Pero kapag may Time kami pumupunta din kami dito." -Tyrone

"Para namang Haunted House to." -Irish

"Grabe ka talaga Irish, Haunted house agad?" -Sheena

"Uii tama nayan baka marinig pa tayo ng lola't lolo ni Tyrone" saway ko sa kanila.

"Tara na pasok na tayo sa loob." -Tyrone

Bumaba kaming lahat sa van sumunod kay Tyrone, Medyo nakakatakot nga yung bahay kasi luma na at alam mo yung feeling na may nagbabantay na mga multo haha.

"Sila ba ang mga bisita mo Apo?"

"Ay mama mo kalabaw!" -Miles

Nagulat kami nang biglang may nagsalita sa likuran namin. Isang matandang Babae ang nakatayo sa likuran namin, lah? Pano sya napunta dyan? Kanina lang wala sya dyan.

"Ah eh Guys, Sya Pala si Lola Trinidad ang Lola ko."

"Pasensya na kayo kung naguklat ko kayo"

"Medyo lang naman po Lola." -Miles

"Lola asan po si Lolo bakit kayo lang mag-isa? " -Tyrone

"Nandon sa likuran nagpapakain ng mga alaga nya." - Lola

"Ganon po ba? Sila nga po pala ang mga kaibigan ko at si Nicole ang asawa ko."

"Magandang hapon po Lola ako po si Dex."

KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon