CHAPTER 50 - FINALE

1.9K 80 14
                                    


DEX'S POV

Nagising nalang ako dahil may kung anong malambot na bagay ang dumadampi sa mukha ko at pag-mulat ng mata ko si Nathan lang pala hinalikan ako.

"GoodMorning My loves."

Bungad sakin ni Nathan sabay halik sa lips ko.

"GoodMorning din My loves bakit parang ang aga mo ata nagising?"

"Kasi My loves may pupuntahan tayo ngayon kaya bumangon kana dyan para makapag-ayos kana."

"Ha???? Saan naman at bakit hindi mo sinabi sakin agad??"

"Mahimbing kapa kasi natutulog kanina kaya hindi na kita inistorbo."

"Napuyat kasi ako kagabi sayo."

"Sakin bakit ano bang ginawa ko??"

"Gusto mo malaman? Akala ko lang naman nung bumagsak ka ay matutulog kana pero hindi pala aba ang daldal mopa kagabi, Panay sorry mo at ang lakas pa ng boses mo kaya nga tinatakpan ko ang bibig mo kasi natutulog sila Mama."

"Talaga Ginawa ko yon? Sorry na. Mahal na mahal lang kasi talaga kita at ayaw kong nagagalit ka sakin."

Niyakap ako ni Nathan ng mahigpit.

"Hindi ako makahinga bitawan muna ako para makapag-asikaso nako at mapuntahan na natin yung sinasabi mo."

Napakadaya talaga ni Nathan sya bihis na bihis na tapos ako eto natataranta na naman.

"Oh my loves relax lang hindi naman ako nagmamadali."

"Eh kasi bat dimo ako ginising?? Ang daya mo ikaw nakabihis na ako Hindi pa."

"Edi maliligo ulit ako, Gusto mo sabay pa tayo eh."

Binato ko nalag kay Nathan yung dala kong tuwalya hihirit pa kasi eh.
Hindi ko nalang sya pinansin at pumasok na sa cr para maligo.

Habang naliligo ako ay may kumatok, hindi lang isa kundi sunod sunod na katok.

"Nathan ano na naman bayon?"

"My loves buksan mo."

"Loko kaba alam mong naliligo ako."

"Basta buksan mo, pag dimo binuksan sisirain kotong pinto."

"Nababaliw kana naman. May hang over kapa ba?"

"Isa."

Kainis talaga tong lalaki nato! Naliligo pa nga yung tao eh!!! Nagtapis ako ng tuwalya at pinagbuksan ko sya.

"Oh anong problema m----"

Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil siniil na nya ako ng halik. Para na namang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko at bigla akong nag-init.

"I love you my loves. Sige na maligo kana."

Nakangiting lumabas sa cr si Nathan ako naman ay naiwang nakatulala. Anong problem nya? Ang lakas ng trip!!!

Padabog kong sinira ang pinto at pinagpatuloy na ang pagligo.

Pagkatapos kong maligo ay naabutan kong nakahiga si Nathan at di ako makapaniwal sa Ginagawa nya. Apaka bastos!

Nakailalim yung isang kamay nya sa ulo nya at naka diretso ang dalawang papa nya! My gosh! Ano bang ginagawa nya!!!!

'TAPOS KANA BA MY LOVES? COME AND JOIN ME'

"Oh my loves? Bakit may problema ba? Kung makatitig ka naman parang hinuhubaran mona ako."

Bigla akong bumalik sa realidad ng magsalita si Nathan tiningnan ko sya ulit at wala naman syang ginagawa normal lang syang nakahiga.

KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon