CHAPTER 14

1.6K 63 0
                                    


DEX'S POV

Ilang araw nadin simula nang tumira ako dito sa maganda at malaking bahay ng Montes, Pero hanggang ngayon ay naninibago padin ako.

Wala si Daddy ngayon nasa work daw si kuya Samuel naman may lakad at ang tanging kasama ko lang dito ay ang mga katulong si Mommy kaso tulog pa ata at si Andrea.

"Good Morning Sir."
Bati sakin ng isang katulong pagbaba ko.

"Nako wag nyo na po akong tawaging sir Dex nalang po."

"Sige po." Sagot nya.

"Gusto nyo po tulungan kona kayo dyan?"

Nagmamap kasi sya nang sahig.

"Wag napo, Kaya ko naman na po."

"Hindi okay lang sakin."

Kinuha kona yung Map na hawak na at sinimulan konang lampasuhin ang sahig. Hindi naman nadin kasi bago sakin ang ganito, Sanay na ako sa mga paglinis linis.

"Gano napo kayo katagal dito?" Tanong ko sa kanya.

"Bago lang po ako dito, Mga 2 months palang po."

"Talaga? Kamusta naman dito?"

"Okay naman po, Mababait sila lalo na yung mag-asawa kaya lang medyo masungit yung isa nilang anak."

Kahit hindi nya binanggit kung sino yon ay alam kong si Andrea yon, imposibleng si Kuya yon eh ang bait non.
And speaking of Andrea, Nandito na sya papalapit samin.

"Mabuti naman at alam mo kung anong lugar mo dito sa pamamahay nato, Ganyan dapat ang ginagawa mo naglilinis wag kang feeling prinsesa."-Andrea

Badtrip siguro to?

DEX kalma, Wag kang papatol mahaba ang pasensya mo diba?? Kalma kalang, hingang malalim.

Pinakalma kolang ang sarili dahil ayokong makipag talo sa kanya, Dapat umpisahan natin nang good vibes kaya Mop lang nang Mop.

Pero sadyang mapang asar si Andrea, Imbis na dumaan sa ibang dereksyon ay doon pasya dumaan sa nilalampaso ko.

"Ooooppsss Sorry"

Pangiti ngiti pa sya habang tinitingnan yung yapak nya at biglang.........

"Araaaaayyyyyyy!!!!!!!!"

Si Andrea biglang nadulas... Ang bilis nga naman talaga nang karma, kaya minsan kaya ayaw ko ding gumanti dahil alam kong may gaganti para sakin.

Gusto kong maawa sa nangyari kay Andrea pero ewan ko ba ganito na siguro tayong mga Pinoy na kapag may dulas imbes na tulungan ay tatawanan pa, Pero hindi ako tumawa na malakas, Pinigil ko naman.

"Ang tinatawa tawa nyo dyan! magsilayas nga kayo sa harapan ko!"

Kasalanan nya din naman kasi alam nyang basa yung sahig doon pasya nag rampa rampa.

Umalis nalang kami nitong kasama ko, Ayaw nyang magpatulong eh edi nilayasan nalang namin madali naman akong kausap.

"Magkapatid ba talaga kayo?" Tanong nya sakin nang makalayo na kami.

"Opo bakit?"

"Iba kasi ang ugali nyo, Si Sir Samuel mabait naman pati ikaw mukhang mabait din pero bakit ganyan ang Ate mo?"

"Hindi ko nga din alam sa kanya kung bakit sya ganyan."

"Haha saan kaya sya nagmana?"

Medyo may kalokohan din tong si Ate.

"Kanina pa tayo nag-uusap dito pero hindi kopa alam ang pangalan mo." Sabi ko sa kanya.

"Ako nga pala si Madelyn, Madel nalang po ang itawag nyo sakin."

KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon