CHAPTER 48

1.4K 66 7
                                    


JASMINE'S POV

Dahan dahan kong minulat ang mata ko at pinagmasdan ang paligid.

Nandito ako sa condo ni Ana???
Nakatali ako sa upuan at nakabusal ang bibig para hindi makapag ingay.

Hindi ko akalain na gagawin sakin to ni Ana dahil lang sa pagmamahal nya kay Nathan parang ibang tao na sya.
Pilit kong kinakalas ang pagkakatali pero sinugurado talaga ni Ana na hindi ako makakawala.

Habang pilitk kong kinakalas ang pagkakatali sakin ay may narinig akong pamilyar na bose, Si Dex bayon?????

Gusto kong sumigaw pero nakabusal ang bibig ko kaya pilit akong gumagawa ng ingay.

////

Ilang saglit pa ay bumalik si Ana at ang sama ng tingin sakin.

"Kahit anong gawin mo hindi ka makakaalis dyan, Hindi ko hahayaan na sirain mo ang mga plano ko."

Gusto kong sabihin kay Ana na

' Nababaliw kana! Pakawalan mo ako dito!!!'

"Magtiis tiis ka muna dyan Jasmine. Tsaka nilang kita papakawalan kapag nasigurado kona na hindi na magkakabalikan sila Dex at Nathan."

Kahit nakabusal ako ay pinapakita ko padin kay Ana na sobra akong nagagalit sa kanya.

Mali na ang ginagawa nya, Kailangan kona talaga makaalis dito sa lalong madaling panahon.

//

Habang naliligo si Ana sa may banyo ay pilit padin akong kumakawala.
Kailangan kong makaalis dito para masabi kala Dex ang totoo kaya hindi talaga ako tumigil hanggang sa mabuwal ko ang pagkakatali sakin.
Inalis ko ang tali sa bibig ko pati narin ang sa paa at sakto ay may tumawag kay Ana kaya sinagot ko yon.

'Hello Ana? Nandito nako sa lugar na pinag-usapan natin.'

Huminga muna ako ng malalim bago nag salita at medyo iniba ko ang boses ko para hindi mahalata ni Raymond.

'San nga ulit yan?'

'Diba ikaw ang nagbigay sakin ng place nakalimutan mona agad?'

'Hmmm ang dami ko kasing iniisip kaya sabihin mo nalang.'

Sinabi naman nya agad yung lugar kung saan sila magkikita at mabilis kong ibinalik ang phone ni Ana at naglagay ng busal sa bibig at bumalik agad ako sa upuan Kunwari'y nakatali padin.

Paglabas ni Ana ay tumingin sya sakin sabay diretso kuha ng phone nya at may tiningnan tapos nilapag ulit.

"Wag kang magtatangkang tumakas dahil may mga bantay ako sa labas."

Kinabahan ako lalo sa sinabi nya pano ako nito makakatakas??
Nagbihis at nag-ayos lang si Ana pagkatapos ay lumabas na agad.

Mukhang mahihirapan akong makatakas nito pero mabuti nalang at naiwan nya ang phone nya kailangan kong matawagan si Dex o kahit na sino sa mga kaibigan ko.
Tinawagan ko ang pwede kong matawagan mabuti nalang at memorize ko ang number nila Mama.

'Hell Ma?? Si Jasmine to kailangan ko ng tulong nyo kinulong ako ni Ana dito sa condo nya.'

'Bakit naman nya gagawin yon?'

'Mahabang kwento Ma pero kailangan kona makatakas dito para matulungan si Dex. May mga tauhan si Ana sa labas kaya hindi ako basta-basta makakalabas.'

'Tatawag naba kami ng pulis?'

'Wag Ma, Kilala nyo naman sila Tyrone diba? Baka pwede puntahan mo sila kailangan ko sila makausap.'

KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon