CHAPTER 27

1.5K 57 1
                                    


DEX'S POV

"Nathan bumalik na tayo sa kanila."

"Saglit lang to My Loves." -Nathan

"San ba kasi tayo pupunta?"

"Basta My Loves sumunod ka nalang." -Nathan

"Dimo sasabihin? Sige ka sisigaw ako."

"At anong isisigaw mo? Na nirirape kita? Haha My Loves baka magising ang mga natutulog na engkanto dito dahil sa lakas ng boses mo."

"Eh san moba kasi ako dadalhin?"

"Relax kalang pwede?  Wala naman akong gagawin sayo."

Dahil sa sinabi ni Nathan ay kumalma ako, Magkahawak kamay kaming naglalakad. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang mga tumatakbo sa ni Nathan.

///

Habang naglalakad kami ay may nadaanan kaming puno ng mangga na ang daming bunga, Bigla tuloy akong nangasim.

"My Loves ang daming mangga." Pagpigil ko kay Nathan.

"Hayaan mona yan, may iba tayong pupuntahan."

"Iiiiihhhhh gusto ko ng mangga, Ikuha mo ako."

"My Loves naman, buntis kana ba at naglilihi ka?" -Nathan

"Basta ikuha muna ako please kahit mga lima lang."

"What?! Seriously?! Ganyan kadami? Sigurado kang kaya mong ubusin lahat yon??" - Nathan

"Oo naman, Kaya sige na umakyat kana at ikuha muna ako."

Hinila ko palapit si Nathan sa puno pero parang ayaw nya.

"My Loves, May pupuntahan pa kasi tayo kaya wag nalang. Hayaan mo kapag balik natin satin ibibili kita ng mangga kahit isang sako pa kain mo lahat. Atsaka hindi ako marunong umakyat ng puno" -Nathan

Ayon! Lumabas na ang totoo di pala marunong umakyat ng puno ang loko hahaha sabagay laking mayaman kasi sya.

"Ngayon ko gusto ng mangga, Ako na ang aakyat kalalaki mong tao dika marunong umakyat ng puno."

Iniwan ko si Nathan at sinimulan ng akyatin ang puno ng mangga, Bata palang kasi ako sanay na ako umakyat ng puno. Alam nyo naman laking hirap haha ang hindi kolang talaga natutunan ay ang paglangoy.

"My Loves ikaw ang sumalo sa mga makukuha ko." Sigaw ko sa kanya ng makaakyat na ako.

"My loves baka mahulog ka bumaba kana dyan."

Hindi kona pinansin si Nathan dahil gusto ko kumain ng mangga ewan koba basta nah cacrave ako hahaha.
Nang makita ko ang first target ko ay hindi na ako nagpatumpik tumpik pa agad akong lumapit at pinitas ko ito.

"Nathan saluhin mo!"

Hinagis ko yung mangga kay Nathan kaya lang ang loko iniligan, Ayon nag crack tuloy.

"Sinasalo po yan! Hindi iniiwasan!"

"Tatamaan kaya ako sa mukha!"
Napakamot nalang ako sa ulo.

Kumuha nalang ako ng isa pa at muling hinagis kay Nathan kaya lang iniwasan nya padin.

"Kainis ka talaga! saluhin mo!"

"Dahan dahan lang kasi My Loves!"

Kumuha ulit ako ng isa pa at dahan dahan inihagis sa kanya at sa wakas nasalo na nya.

Kumuha ako ng dalawa pa at pagkatapos ay bumaba nadin.

"Ang pangit tuloy nang iba may mga Crack ikaw kasi dika marunong sumalo."

KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon