SOMEONE'S POVKamusta na kaya sya?
Okay lang kaya sya?
Ganon padin kaya ang itsura nya?
Matutuwa kaya sya kapag nakita nya ako?
DEX'S POV
Maaga ako nagising para ipagluto sila Mommy at Daddy pati si Kuya Samuel at Andrea.
Alam nyo naiilang padin talaga ako na tawagin sila na Mommy at Daddy kasi hindi naman ako sanay, Ang alam kolang dati Mama at Papa pero since ayon ang gusto nilang itawag ko sa kanila ay ayon ang itatawag ko.
"Sir ako napo ang magluluto. Trabaho namin to" Awat sakin nang isang katulong.
"Nako okay lang po, Sanay naman po ako na ginagawa to."
"Alam nyo hindi padin ako makapaniwala na nandito na kayo, Sa tagal kona dito hindi ko akalain na makikita kapa nila."
"Gaano napo ba kayo katagal dito?"
"Maglilimang taon nadin, kaya masasabi ko na saksi ako sa mga hirap na pinagdaanan nila makita kalang."
"Ganon po ba, Masaya din po ako na nakabalik ako sa totoo kong Pamilya."
Habang nagluluto ako ay nakikipag kwentuhan ako sa kanya. Medyo madaldal sya kasi ang dami nyang naikwento sakin about sa mga Montes lalo na kay Mommy Aurora, Napakabait daw nito at ito talaga ag nagpupursigi na mahanap ako
Kaya bilang sukli ay hindi ako magiging pabigat dito.After naming magluto ay nagpatulong nadin ako maghain ng mga kakainan namin. At guest what kung anong niluto ko ngayong almusal? Edi nagprito lang ako dahil ayon ang pinakamadaling lutuin tortang talong and Ham. Sana kumakain sila ng tortang talong hehe.
Sabi kasi ng katulong ay hindi sila masyado nagluluto dahil busy lahat ng mga tao dito kaya madalas ay nagpapadeliver lang sila.
"Ate Sussie?? Anong klaseng amoy yon???? "
Biglang dumating si Andrea at tiningnan yung mga nakahain. Nakauwe na pala sya hindi ko napansin na nandito na sya.
"Ah eh Andrea nagluto ako ng tortang talong tapos ham, Masarap yan gusto mo ipaghain na kita?" Sabi ko sa kanya at napatingin ulit sya sakin.
"Pagkain ba yan ng mahihirap? Sorry hindi ako kumakain nyan. Ate Sussie, I want Bacon ipagluto mo nga ako." -Andrea
"Masarap yan itry mo pa."
"Nakakaintindi kana naman diba? Ang sabi ko hindi ako kumakain nyan, Kung gusto mo ipakain mo nalang yan sa mga alaga naming aso para hindi sayang ang efforts mo pero ewan kulang kung kakainin yan ng aso namin." -Andrea
Medyo na hurt ako sa sinabi nya, Alam kong simple lang ang niluto ko at walang wala sa madalas nilang kinakain pero tama ba na sabihin pa nya yon?.
"Wow ang bango naman, Ano yon."
Nagising nadin si kuya Samuel at agad na tiningnan kung ano ang nakahain sa lamesa.
"Tortang talong? Sino nagluto nito? Tagal kunang hindi nakakakain nito ah." -Kuya Sam
"Ako ang nagluto nyan kuya, Pasensya kana wala kasi akong ibang maluto dito."
"Bakit ka nagsosorry? Ayos lang yon, Mukha ngang masarap eh atsaka ngayon nalang ulit ako makakakain ng ganito, Puro kasi kami pork, beef and chicken."
"Iww yuck" mahinang sabi ni Andrea pero narinig kopa din.
Inisip ko nalang na iba iba talaga ang panlasa ng mga Tao yung iba mahilig sa gulay tapos yung iba puro karne lang ang gusto.
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)
FanfictionHalos perpekto na ang lahat pero anong gagawin mo kapag nalaman mong ang buong pagkatao mo ay isang malaking kasinungalingan. Anong gagawin mo kapag may nagpakilala sayo na sila ang Pamilya mo? Pano pag nalaman mong may iba ka palang pamilya? Sino...