DEX'S POVMasyado pala akong napaaga sa pagpasok nasa byahe palang sila Mommy hayss ano kayang magandang gawin?
Pero mas kinakabahan ako kasi nandito sila mommy at daddy makikita nila ang mga kilos ko.
Ilang minuto din ako nag-antay bago sila dumating."Matagal kabang nag-antay Anak?" Agad tanong sakin ni Mommy.
"Ayos lang po, medyo napaaga lang talaga ako."
"Sabi ko kasi sayo eh doon kana ulit sa bahay tumira para sabay sabay na tayo."
"Kumain kana ba Dex? Gusto mo sumabay ka muna samin?" Alok sakin ni Ate Andrea.
"Nako hindi busog nako."
"Are you sure???" Tanong nya ulit.
Tumango lang ako at ngumiti."Sumama kana samin Dex, mas mabuti nang may laman ang tyan bago sumabak sa gera." -mommy
Haha gera talaga? Yung tinutukoy nya siguro yung kay Mrs. Sandoval sa totoo lang kinakabahan na ako na tatae ako na ewan. First time ko kasi sa mga ganito at hindi ko alam kung saan at paano ako mag-uumpisa.
So ayon na nga lumabas ulit sila at hindi ko alam kung saan sila pupunta, niyaya naman nila ako pero ako lang itong may ayaw. Ewan koba nahihiya padin ako sa kanila kahit medyo matagal kona silang nakakasama.
Nagugutom naman talaga ako kaya ng mapansin kong wala na sila ay lumabas nadin ako para makahanap ng makakain.
Sobrang daming makakainan pero alam nyo yon? Ang mamahal atsaka mag-isa lang ako.Naglakad pa ako ng medyo malayo layo hanggang sa may nakita akong mga nagtitinda ng street foods.
Dali dali akong lumapit para pumili ng kakainin ko haha kahit pala anong Buhay ang meron ako ngayon ay babalikbalikan kopa din ang nakasanayan ko."Kuya magkano fishball?"
"Piso dalawa po." Nakangiting sagot nya.
Kumuha nako ng fishballs at nilagay sa baso tapos bihusan ko ng maanghang na suka.
Dimo muna ako umalis kasi mukhang makakarami pako haha hindi naman siguro mag sstart agad yung meeting nila haha sana lang talaga.
Ang sarap talaga mag fishball lalo na pag maanghang yung sawsawan."Akala koba busog kana?"
Kakagat na sana ako pero may isang pamilyar na boses akong narinig.
"Da-daddy?"
"Oh bakit parang nakakita ka ata ng multo?"
"Ano pong ginagawa nyo dito???"
"Nakita kitang lumabas kaya ayon sinundan kita, tapos pinagmasdan lang kita at mukhang sarap na sarap ka sa kinakain mo."
"Ah eh opo, masarap po talaga ito."
"Fishball? Masarap nga yan."
"Ano pong ginagawa nyo?"
Nagulat kasi ako ng bigla tumusok si daddy ng isang fishball tapos sinawsaw nya at kinain.
"Manong bilhin kona po ito Lahat."
Hindi parin mag sink in sa utak ko ang ginagawa nya, kumakain sya ng mga ganitong pagkain? Kailan pa? I mean bibihira sa mga mayayaman ang kumakain ng mga ganito.
"Oh ba't natulala ka dyan? Marami pa tayong uubusin kaya kumain kana dyan." Masayang sabi nya sakin.
"Eh ano po kasi, talaga po bang gusto nyong kumain dito? Pwede naman po tayo lumipat sa mas gusto nyo."
"Nahihiya kapa ba samin? O sakin? "
"Aaminin kopo medyo naiilang pa po ako sa inyo.'
"Dex anak? May ikukwento ako sayo. Kung ano man ako ngayon o kung anong man narating ng pamilya natin ngayon ay pinaghirapan ko to sa tulong nadin ng mommy mo. Hindi kami lumaki sa yaman, Naranasan din namin maghirap. Pero syempre dahil sa kagustuhan namin na umahon ay nagsikap kami, Naging mabuti ss kapwa at dahil don may nakilala kami na isang tao at sya din ang tumulong samin."
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)
FanfictionHalos perpekto na ang lahat pero anong gagawin mo kapag nalaman mong ang buong pagkatao mo ay isang malaking kasinungalingan. Anong gagawin mo kapag may nagpakilala sayo na sila ang Pamilya mo? Pano pag nalaman mong may iba ka palang pamilya? Sino...