MARIVICK'S POVPano ko sasabihin sa Asawa't anak ko na wala ni si Dex?
Na pumunta na sya sa totoo nyang Pamilya?
Habang naglilinis ako nang bahay ay nakatulala ako at malalima ang iniisip.
"Mama asan po si kuya Dex? Magpapaturo po kasi ako ng assignment ko."
Bigla nalang akong napaluha ng banggitin ni Kyline ang pangalan ng kuya nya.
Lumapit ako sa kanya at niyakap sya nang mahigpit.
"Mama umiiyak poba kayo?" Tanong nya ulit.
Pinunasan ko yung luha ko at tumingin ulit kay kyline.
"Napuwing lang si Mama naglinis kasi ako. Ako nalang ang gagawa nang assignment mo mamaya."
"Pero asan po si kuya?" -Kyline
"Nagtatrabaho na kasi ang kuya mo sa malayo."
"Ano po? Kailan po sya babalik?" -Kyline
"Medyo matatagalan kaya ako nalang muna ang gagawa nyan, Kaya bumalik kana muna sa kwarto mo ha? Maglilinis lang muna ako."
"Okay po, Pakisabi nalang po kay Kuya Dex na mag-iingat sya sa work nya "
Sumunod naman agad sya sakin mabuti nalang at matalinong bata si Kyline at naunawan na nya na wala ang kuya nya dahil nagtatrabaho.
"Nagtrabaho ba talaga si Dex o pumunta na sya sa totoo nyang Pamilya?"
"Vincent kanina kapa ba dyan?"
"Hindi naman, Wag kanang magsinungaling sakin. Nabasa kona ang sulat ni Dex satin." -vincent
Lumapit ako sa asawa ko at sa kanya ako humagulgol ng iyak. Parang hindi ko kakayanin na mawala sakin si Dex mahal na mahal ko ang anak ko.
"Tama ba na hinayaan natin na umalis si Dex?"
"Ayon ang tama marivick dahil may totoo syang Pamilya na matagal nang nag-aantay sa pagbabalik nya." - vincent
"Ang sakit lang kasi dahil ako ang dahilan kung bakit wala sya satin ngayon, Sinakripisyo nya ang sarili nya para lang makalaya ako."
"Dahil ganon tayo kamahal ni Dex, At kahit wala na sya dito ay baon baon nya ang lahat ng mga itinuro natin sa kanya at syempre hindi na tayo mawawala sa puso nya." - Vincent
Tama si Vincent alam kong hindi kami makakalimutan ni Dex kahit nandon na sya sa totoo nyang Pamilya.
Pero aantayin ko ang pagbabalik ng anak ko.ANDREA'S POV
"Kuya anong meron bakit parang may party? Sino ang may Birthday."
"Walang may Birthday." Sagot nya sakin.
"So ano ngang meron?"
"I don't know basta ang sabi ni Mommy may surprise daw sya satin na siguradong ikatutuwa natin."
Ano kayang surprise yon?
New Phone?
New Clothes?
O New Car?
Kung ano man ang surprise ni Mommy sigurado na maganda yon at kailangan kong paghandaan yon.
"Kuya I have to go."
"Oh san kana naman pupunta? Baka hindi mo maabutan yung surprise ni Mommy."
"Secret."
Iniwanan ko nalang si kuya dahil kailangan konang umalis para makapag salon gusto ko maging maganda ako sa harapan nila dahil for sure ako na kung ano man ang surprise ni Mommy ay kailangan talaga paghandaan.
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)
FanfictionHalos perpekto na ang lahat pero anong gagawin mo kapag nalaman mong ang buong pagkatao mo ay isang malaking kasinungalingan. Anong gagawin mo kapag may nagpakilala sayo na sila ang Pamilya mo? Pano pag nalaman mong may iba ka palang pamilya? Sino...