CHAPTER 3

2.1K 69 2
                                    

NATHAN'S POV

"My Loves gising na, Uuwe na tayo."

Ginising kona si Dex dahil uuwe na kami, Sabi ko kasi sa kanya na mauna na sya umuwe at gagabihin ako kaso sabi nya sabay nalang daw kami. Kaya ayon pinauna na nya si Miles pauwiin.

"Anong oras naba? Tapos kana ba sa mga ginagawa mo?" -Dex

"Oo My Loves tapos na, Kaya uuwe na tayo."

Tumayo na si Dex at inayos yung gamit nya at lumabas na kami.
Pagod ako sa trabaho pero dahil kay Dex nagiging full yung Energy ko.

Ang sarap kasi sa Feeling na kasama mo yung mga Mahal at sinusuportahan ka nya sa lahat ng ginagawa mo.

"My Loves ihahatid ba kita sa inyo?"

"Oo My Loves, Maghahatid pa kasi ako bukas sa kapatid ko." -Dex

"Ganon ba? Sige. Gusto mo sunduin ko nalang kayo ni Kyline bukas?"

"Pano yung trabaho mo?" -Dex

"Edi tatapusin ko ng maaga para masundo ko kayo."

"Sige ikaw bahala." -Dex

Umidlip agad si Dex at hinayaan ko nalang sya na makapag pahinga mukha kasing pagod sya.

Ginising ko nalang sya ng nasa tapat na kami ng bahay nila. Hindi narin ako nagtagal dahil medyo pagod din ako.


DEX'S POV

"Mommy!!!!! Mommy!!!!!! where are you Mommy!!!"

May lumapit na isang babae sa bata at parang kinakausap nya ito. 

Kaya lang medyo malabo yung mukha ng Babae kaya hindi ko makita ang itsura nya.

Napabalikwas agad ako dahil sa mga nakita ko.

Nakita ko sa paniginip ko.

May isang batang lalaki na iyak ng iyak at parang hinahanap yung mommy nya.

Sino kaya yung batang yon?

Bakit sya nasa panaginip ko?

Dahil sa panaginip kung yon ay hindi na ako nakatulog.

Iniisip ko padin kung sino ang bata nayon. 

At ano ang ibig sabihin ng panaginip nayon?

Pasado alasais ng umaga ay bumangon na ako dahil ihahatid kopa si Kyline sa school.

"Good Morning kuya!" bati nya sakin ng makita nya ako.

"Good Morning din baby"

"Anak bakit parang puyat ka ata?" Tanong sakin ni Mama.

"Medyo late lang po ako ng tulog." 

"Yan kasi puro ka Cellphone, Inaabot kana ng hating gabi kakapindot dyan sa Cellphone mo." -Mama

"Si Mama talaga ang aga aga nag mimisa."

Nitong mga nagdaang araw pakiramdam ko may hindi sinasabi sakin si Mama pero hindi ko naman sya magawang matanong dahil baka pagtalunan lang namin yon.
Lumapit sakin si Mama at bigla akong niyakap.

"Anak lagi mong tatandaan na Mahal na Mahal ka namin ng Papa mo."

Medyo nagulat ako sa sinabi ni Mama kahit alam ko naman na Mahal Na Mahal talaga nila ako. Iba lang kasi ang dating sakin ngayon.

"Mahal na Mahal ko din po kayo ni Papa at syempre si Kyline din."

"Tayo lang ang totoong Pamilya, Kaya i promise mo na walang aalis at mang-iiwan kahit na anong mangyari." -Mama

KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon