CHAPTER 41

1.5K 62 4
                                    


MILE'S

"I never thought na ikaw ang babaeng ipapakilala ni kuya samin bilang Girlfriend nya."

Huminga lang ako ng malalim dahil ayaw kong patulan si Andrea kahit sa loob loob ko gustong gusto kona syang kalbuhin hindi ko padin nakakalimutan ang mga pinaggagawa nya kay Dex.

"Excuse lang ha? Baka kasi hinahanap na ako ng kuya mo."

Maglalakad na sana ako pero hinawakan nya ako sa braso.

"Sandali lang kinakausap pa kita."

"Andrea Please ayaw ko ng gulo."

"Gulo agad? Gusto kolang sana magsorry sa mga nasabi at nagawa ko sayo noon. Alam kong hindi madaling kalimutan yon pero sana maging okay din tayo katulad namin ni Dex since part kana din naman ng Family namin."

Maniniwala ba ako sa babaeng to?? Eh parang kahit anong bait nya lumilitaw padin ang sungay nya eh hindi naman sa judgemental ako pero may something talaga eh hindi ko maexplain kung ano or mali lang ako?

"Okay na sana sakin yon Andrea, Kung ano man ang nangyari noon kalimutan nalang natin."

"So ibig bang sabihin nito pwede na tayo maging magkaibigan??"

Inalok nya sakin yung kamay nya noong una parang nagdadalawang isip ako kung tatanggapin koba yon o hindi. Pero sa huli nakipag kamay nalang din ako sa kanya oo nagdadalawang isip ako pero syempre bibigyan ko sya ng chance wag lang talaga sya gagawa ng kalokohan at hindi ko sya aatrasan.

"Mukhang nagkabati na Kayo ah."

Nakangiting sabi ni Samuel sabay akbay sakin.

"Oo naman kuya, Diba nga sabi ko sayo kahit sino pa ang babaeng ipakilala mo ay tatanggapin ko." -Andrea

"Salamat Andrea."



DEX'S POV

Kagabi opisyal ng pinakilala ni kuya si Miles sa Pamilya namin bilang Girlfriend nya maayos naman ang pagtanggap nila kay Miles at pati si Ate mukhang okay na sa kanya.
At ngayon back to reality ulit work time ulit haha.

Dahil may taga sundo naman ako ay hindi na ako nahihirapan mag byahe papunta sa trabaho ko at ganon din sa pag uwe ko may naghahatid sakin ayoko naman talaga yon pero si Monmy ang mapilit kaya ayon pumayag nadin ako.

"Hi Dex???"

Bungad sakin ng lalaking kinakabwisitan ko.

"Anong ginagawa mo dito???"

"Sabi ko naman sayo diba? Hindi mo ako matatakasan. Ano? Papayag kana ba? Ikaw pa choosy ha? Ayaw monon ang gwapo ng Boyfriend mo?"

"Alam mo ikaw? Ang lakas din ng hangin mo sa katawan noh? Kahit anong gawin mo ayaw ko padin."

"Bahala ka hindi kita tatantanan."

Ang kulit talaga ng lalaki nato sarap bigwasan haha pektusan ko kaya to sa small intestine nya?

"Bahala ka sumunod ng sumunod sakin ikaw lang din mapapagod."

Binilisan ko ang lakad ko pero binilisan nya din ang lakad nya, Sakto napadaan ako sa may comfort room ayon ang loko sumunod din.

"Dimo ba talaga ako titigilan?"

"Hindi."

"Bahala ka nga."

Pumasok ako sa may loob at kunwari nag cr haha tinagalan ko siguro mga 10 minutes siguro naman wala na sya pero paglabas ko mukha nya ang bumungad sakin.

KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon