SPECIAL CHAPTER

1.4K 69 10
                                    


"KUNG AKO NALANG SANA"


"Nathan ano to? Bakit may paganito pa?"

Akala ko kasi after ng kasal ay tapos na uuwe na kami pero itong si Nathan ay may pahanda pa pala.

"Syempre my loves after ng kasal ay may kainan, Hayaan mo mamaya tayo naman ang magkakainan."

Uminit bigla yung mukha ko dahil sa sinabi ni Nathan feeling ko tuloy namumula ako.

"Kumain ka mag-isa mo."

"Dex????"

Tuwang tuwa na lumapit sakin si Miles at niyakap ako ng mahigpit.

"Aray ko naman Miles di ako makahinga."

"Ay sorry haha, Congrats! Nakakaiinggit talaga kayo!"

"Darating kadin dyan kailangan molang mag-antay may tamang panahon para sa maraming bagay."

"Hayss. Siya nga pala gusto ka daw kausapin ni Dan."

Lumingon muna ako kay Nathan para alamin kung papayag ba sya o hindi at nang makita kong nakangiti sya ay alam kona ang ibig sabihin non.
Agad akong pumunta kay Dan para malaman kung ano ang sasabihin nya.

"May sasabihin ka daw sakin?"

"Congrats. Masaya ako para sayo, Para sa inyong dalawa ni Nathan."

"Salamat."

"Isag favor nalang Dex, malapit na kasi ang birthday ni Mama at gusto ka nya makita bigla ka kasi nyang naalala at ang sabi nya ay papuntahin daw kita."

"Yun lang ba? Oo ba na miss kona din ang mama mo matagal tagal nadin nung huli ko syang nakita."

"Maraming salamat. Sige na bumalik kana don baka hinahanap kana ng iba pang mga bisita."

Bago ako umalis ay niyakap ko muna si Dan.

Pagbalik ko ay sinalubong ako ni Nathan at binati kami ng iba pang mga bisita alam nyo nakakatuwa? Nakikita ko sa mga mata nila yung pagtanggap at hindi panghuhusga.

"My loves upo na tayo."

"Ha? Bakit?"

"Basta panoodin mo nalang may hinanda akong surpresa sayo."
Natahimik bigla ang paligid ng pumunta si Sheena sa may gitna habang may hawak na Mic. Anong ginagawa nya???

"Ako nga pala si Sheena siguro lahat kayo maiinis sakin sa unang bahagi ng ikukwento ko. Nakilala ko si Dex nung highschool kami schoolmate kami at Girlfriend ako ng Bestfriend nya which is Mark. Maayos naman yung una naming pagkikita kaya lang nakaramdam ako ng inggit sa kanya hanggang yung inggit nayon ay napalitan ng galit. Kasi ako yung Girlfriend pero parang mas importante si Dex kesa sakin na Girlfriend kaya dati lagi kong inaaway si Dex lagi kong iniiskandalo. Pero sa lahat ng ginawa ko sa kanya, Ilang beses koman syang saktan? Kabutihan padin ang sinusukli nya sakin kaya nga dati hindi ko maiwasang hindi maisip na. Pano ko yon nagawa sa kanya? Ganong alam kong wala naman syang ginawang mali sakin? At kung may ipagpapasalamat man ako sayo kanya? Ayon ay ang natutunan kong bago ako gumawa ng hakbang pag-isipin ko muna at alamin kung ano ang magiging resulta nito. Kaya Dex masaya ako para sa inyo ni Nathan, Congrats."

Lahat ng sinabi ni Sheena ay tumagos sakin bumalik yung mga panahon na nag-aaway pa kami dahil sa maling pananaw nya pero pag-naalala ko yon ay natatawa nalang ako.
Lumapit sya sakin at niyakap ako ng pagkahigpit higpit.

Sunod naman na tumayo si Irish. Hindi ko alam kung anong pakulo to pero masaya ako na nakikita ang mga kaibigan ko at sinusuportahan ako.

"Hi? My name Is Irish at isa ako sa mga kaibigan ni Dex na katulad ng nauna sakin na si Sheena ay minsan kona din nakaaway si Dex. Ex ako ni Nathan and i was his first love kaya naman nung nalaman ko na may bagong kinahuhumalingan si Nathan ay gumawa ako ng paraan para mapaghiwalay sila pero sadyang pinoprotektahan sila ng tadhana laban sakin kasi kahit anong gawin ko? Lalo lang silang nagkakalapit. Marami akong nagawang hindi maganda kay Dex pero hindi sya lumaban sakin at umasa padin sya na balang araw magiging magkaibigan kami at eto nga nangyari na at ang natutunan ko sa kanya Your mortal enemy can be your friends too dahil sa kabutihan nya ay lumambot ang malditang Irish natuto ako mag appreciate ng mga small things at magpakumbaba at syempre hindi nadin ako basta basta nang aaway kaya malaki ang pasasalamat ko kay Dex kaso isa sya sa mga nagbago sakin kaya Dex? Masaya ako na naging kaibigan kita at kapag kailangan mo ng tulong? Nandito lang ako para sayo."

KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon